Mataas na presyo ng bilihin bababa sa ‘Kadiwa’

Bandera - - FRONT PAGE -

PARA masolusyunan ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at para matulungan na rin ang mga magsasaka na maibenta nang maayos ang kanilang mga produkto, iminungkahi kahapon ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na buhayin ang Kadiwa market system na inilunsad ng kanyang ama noong kanyang administrasyon.

Matatandaan, ang mga Kadiwa outlets ay itinayo noong 1970s sa mga depressed areas para doon ibenta ang mga pagkain at ilan pang pangunahing bilihin sa murang halaga. Ito ay itinayo para matugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na pamilya sa lugar.

Ito rin ang nagpapalakas sa hanay ng sektor ng agrikultura, dahil ang mga produktong ibinibenta rito ay ang mga locally-produced goods. Kaya, ayon kay Marcos, makabubuting bigyang daan muli ng administrasyong Duterte ang pagbuhay sa Kadiwa market system na tutulong sa mga maliliit na pamilya para makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

“We need to institute reforms in the food supply chain to address the problem of rising prices of basic commodities. At the same time, we can bolster our farm sector with the Kadiwa outlets firmly in place—the consumers buy farm produce at farm gate prices, parang ikaw mismo ang bumili sa magsasaka kaya talagang murang-mura at kayang-kaya ng bulsa,” ani Marcos.

Anya pa, para mapanatili ang murang bilihin para sa mahihirap, kailangan mismo ang gobyerno ang bumili ng mga produkto ng mga magsasaka sakaling sobra ang kanilang ani, at bilhin ito sa maayos na presyo.

“Kailangan ang gobyerno kapag mura ang presyo ng bilihin, bumili at mag-imbak para hindi aalagwa ang presyo; kapag tag-araw puwede nang magbitaw, pero hindi gaanong aangat ang presyo,” paliwanag nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.