Lupa sa Bora ipamimigay sa magsasaka

Bandera - - FRONT PAGE -

SINIMULAN ng Department of Agrarian Reform (DAR) na kilalanin ang mga posibleng benepisyaryo ng mga lupa sa Boracay sakaling totohanin ni Pangulong Duterte ang pamimigay ng lupa sa mga magsasaka.

“Pinag-aaralan na natin,” sabi ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones. “Uumpisahan na natin ang identification at inventory kung sino dapat makinabang kung sakali bigyan kami ni Presidente Duterte ng marching order na ituloy ito."

Idinagdag ni Castriciones na naghihintay pa sila ng utos ni Duterte na isailalim ang Boracay sa land reform sakaling simulan ang anim na buwang pagsasara ng isla para sa rehabilitasyon.

“Kung bibigyan niya kami ng marching orders, ipapatupad po namin ‘yan,” sabi ng opisyal. —Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.