27K sako ng bigas naharang sa Zambo

Bandera - - FRONT PAGE -

NAKUMPISKA ng Navy ang 27,180 sako ng bigas, na nagkakahalaga ng P68 milyon, sa isang barko sa karagatang sakop ng Olutanga Island sa Zamboanga Sibugay, kamakalawa.

Sinabi ni Rear Admiral Rene Medina, commander ng naval forces sa Western Mindanao, na ibinababa ng 11 Bangladeshi at apat na Chinese ang mga bigas mula sa MV Diamond 8 nang maispatan ito.

Nang dumating ang BRP Heneral Mariano Alvarez at Attack Boat 485 ay nailipat na ng mga crew ng MV Diamond 8 ang 8,000 sakong bigas sa dalawang bangkang de motor, ang MV Yssa Maine at MV Yousra.

Agad na tumakas ang dalawang bangka at naiwan ang 51 crew na nagbababa pa ng bigas mula sa MV Diamond 8.

Sa kabuuan, ani Medina, nakaaresto ang otoridad ng 66 katao, kasama na ang isang bata. —Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.