3 patay sa aksidente

Bandera - - FRONT PAGE -

TATLO ang iniulat na nasawi sa magkakahiwalay na aksidente sa Pangasinan.

Patay si Mark Gilbert Dela Cruz, 21, at kanyang 20-anyos na girlfriend na si Rica Garcia, matapos tumilapon sa kanilang sinasakyang motosiklo at saka masagasaan ng trak ganap na alas3:35 ng hapon kamakalawa, sa kahabaan ng isang highway sa Barangay Magtaking, Bugallon.

Dead on arrival ang mga biktima matapos isugod sa isang ospital.

Nasa kustodiya na ng mga pulis ang driver ng trak na si Antonio Torres, 54.

Sa bayan ng Villasis, namatay si Jolito Macalampad, 24, habang dinadala sa isang ospital matapos na masagasaan ng isang pampasaherong bus habang tumatawid sa Manila North Road sa Barangay Bacag ganap na alas- 8:50 ng gabi kamakalawa.

Naaresto naman ang driver ng bus na si Melvin Sindayen, 39. — Inquirer al Court Branch 89 laban kay Imam, na itinuturing na "high value target" dahil sa umano'y kinalaman sa kalakalan ng ilegal na droga, ayon kay Corpuz.

Nasamsam sa bahay ang 31 mediumsized at tatlong malaking sachet na may kabuuang timbang na 500 gramo ng hinihinalang shabu, electronic weighing scale, dalawang kalibre-.45 pistola, dalawang magazine, pitong bala, at maliit na money counting machine.

Nakumpiska din ang sari-saring drug paraphernalia, kabilang ang isang bungkos ng mga di pa gamit na sachet. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.