Lalaki, 4 bata sugatan sa pamamaril

Bandera - - FRONT PAGE -

SUGATAN ang isang lalaki at apat na batang babae, kabilang ang isang sanggol, nang pagbabarilin ng mga armado ang isang bahay sa Midsayap, North Cotabato.

Malubhang nasugatan ang driver na si Musa Magila Sadang, 44, habang nagtamo ng bahagyang pinsala sina Jehan Buacan, 18; Melanie Buacan, 13; Princess Shahanna Kusa, 10; at 7-buwang gulang na si Malaiha Sadang, ayon sa pulisya.

Naganap ang pamamaril dakong alas-7:30 ng gabi Sabado, sa bahay ni Musa sa Purok 3, Brgy. Malingao.

Bigla na lang dumating ang tatlong lalaki at pinagbabaril si Musa, na tinamaan ng dalawang beses sa tiyan, ani Tayong.

Nahagip naman ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan ang apat na kabataan.

Itinakbo ang mga biktima sa iba-ibang pagamutan sa Midsayap, at agad nagpadala ng pulis sa mga pasilidad na iyon nang matunugan ang insidente alas-8, dagdag pa ng pulisya. — John Roson

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.