EO sa 'endo' napurnada

Bandera - - FRONT PAGE -

HINDI pinalagpas ng mga pro-Duterte ang kumalat na larawan ni Vice President Leni Robredo na nakangiti habang kasama ang ilang mambabatas at miyembro ng Liberal Party sa Holocaust Memorial sa Germany.

Marami ang nagpahayag na ang nasabing kuha ay kawalan ng respeto sa mga biktima ng genocide ng mga Nazis.

Tinanggal ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. ang litrato sa kanyang Twitter ngunit huli na dahil nai-share na ito ng mga tagasunod ni Duterte sa kani-kanilang Facebook account.

Tanging si Baguilat pa lang ang nagpaliwanag tungkol sa isyu.“We posed at the Holocaust Memorial not to demean the place.”

“But I took down the tweet immediately so as not to hurt sensibilities,” sabi ni Baguilat.

Iginiit naman ng marami na dapat siyang humingi ng paumanhin.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa ring paliwanag si Robredo tungkol sa isyu, at maging ang mga kasama niya sa larawan na sina Rep. Arlene Bag-ao, Rep. Bolet Banal, Rep. Kit Belmonte, Rep. Miro Quimbo at Sen. Francis Pangilinan.

Makikita sa larawan na naka-sunglass si Robredo habang nakangiti. — Inquirer.net HINDI natuloy ang pagpirma sa Executive Order laban sa contractualization na nakatakda sanang lagdaan kahapon.

Ayon sa Malacanang, gagawin na lamang ang pagpirma ng pangulo sa EO sa mismong Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1, bilang regalo sa mga manggagawa.

Tiniyak naman ni Presidential spokesman Harry Roque na pursigido ang pangulo na tuparin ang kanyang pangako sa taumbayan noong panahon ng kampanya na tutuldukan niya ang end of contract o "endo".

Umaapela naman si Roque na maiging maghintay-hintay lamang ng kaunti pang panahon at lalagdaan din ng pangulo ang EO laban sa endo.

Aminado si Roque na wala sa kanyang kalendaryo kahapon na lalagdaan ng pangulo ang EO taliwas sa mga pahayag ng iba't ibang labor groups.

Sinabi ni Alan Tanjusay ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) na kahapon ang itinakdang araw ng Malacanang para sa pirmahan ng EO na siyang tatapos sa matagal na isyu ng contractualization sa bansa. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.