Taas-singil sa petrolyo

Bandera - - FRONT PAGE -

PANIBAGONG taassingil sa presyo ng mga produktong petrolyo ang nakaabang sa mga consumer ngayong araw.

Dagdag na 55 sentimo kada litro ng diesel habang 35 sentimo kada litro sa gasoline at 80 sentimo naman sa kada litro ng kerosene o gaas ang ipatutupad ng mga kompanyang PTT Philippines, Pilipinas Shell, Seaoil at Phoenix Petroleum Philippines.

Epektibo alas-6 ngayong umaga ang oil price hike.

Inaasahan naman na susunod maglabas ng anunsiyo ang iba pang kompanya ng langis.

Magugunitang nito lamang nakaraang linggo ay nagpatupad ng rollback ang ilang produktong petrolyo na 40 sentimo sa kada litro ng gasolina at 30 sentimo naman diesel habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene. —Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.