Bangkay sa garbage bag

Bandera - - FRONT PAGE -

HINIHINALANG biktima ng salvage ang isang lalaking natagpuang nakabalot ng itim na garbage bag sa Taguig City kahapon ng madaling araw.

Nakita ang biktima sa may service road ng C5 Heritage, sa barangay Pinagsama, na may plastic sa ulo na may packaging tape. Ayon sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD), may tama ng saksak sa dibdib at tagiliran ang lalaki.

May nakita ring isang ice pick na nakasubkit sa baywang ng lalaki, na inilarawan ng pulisya na may edad 25 hanggang 30, nakasuot ng pulang t-shirt at short pants.

Ayon kay Felipe Baldoza Jr., Security Force ng Barangay. Pinagsama bandang alas-12:30 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay habang siya at mga kasamahan ay nagroronda.

Pansamantalang inilagak sa Rizal Funeral Homes ang labi ng biktima upang isailalim sa awtopsiya. —Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.