Echiverri may 44 graft cases

Bandera - - FRONT PAGE -

SIYAM na kaso ng graft ang isinampa sa Sandiganbayan laban kay dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.

Ang kaso ay kaugnay ng maanomalya umanong paggamit sa P37.72 milyong pondo ng siyudad na walang otorisasyon mula sa city council.

Kinuwestyon ng Ombudsman ang kontrata para sa dalawang streetlight installation project na ibinigay sa Lex-Mar General Merchandiser and Contractor at P.B. Grey Construction, at dalawang drainage projects ng Golden 3T Construction Corp. at Fel-Gene Construction.

Kasama sa kinasuhan city accountant na si Edna Centeno at city budget officer Jesusa Garcia.

Umakyat na sa 44 ang kaso na isinampa kay Echiverri sa Sandiganbayan.— Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.