KARLA ESTRADA PAKIALAMER RAW KAYA BINABANATAN NG K

Produ takot bigyan ng movie ang magand

Bandera - - FRONT PAGE -

PINAGPISTAHAN sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ang isang magandang aktres. Sayang daw kasi ang kanyang kagandahan kung basta nakatiwangwang lang at hindi napakikinabangan sa linya ng kanyang pinasok na mundo.

Kung ganda ang paguusapan ay bulag lang ang magsasabing wala siyang ganda, panalo rin ang hubog ng kanyang katawan, kaya ang tanungan ng mga miron sa umpukan ay nasaan nga ba ang problema?

Nabibigyan naman siya ng proyekto sa kanyang network, pero mabilisan lang, hindi ‘yun nagtatagal. Maraming sinasabing plano ang kanyang istasyon pero hindi naman natutuloy.

Reaksiyon ng isang miron, “Malaking puhunan ang paggawa ng isang pelikula, napakalaki ng gastos, kaya siyempre, ang unang concern ng production, e, kung babalik ba ang puhunan nila?

“Kailangang pag-isipang mabuti kung bibigyan ba nila ng movie ang artista nila dahil nakakatakot ang puhunan, baka kahit kalahati lang, e, hindi nila mabawi,” diretsong sabi ng aming impormante.

May matagal na palang nakaplanong gawing pelikula ang magandang female personality pero palaging nauudlot ‘yun. Pinakikiramdaman daw kasi ng mga producers kung umangat na ba ang suporta sa kanya ng publiko?

Balik-chika ng aming source, “Kaso, waley pa rin! ‘Yung isang project niya, hindi man lang nagtagal sa ere. Mahina pa rin ang support group niya, kaya naisip siguro ng mga mamumuhunan sa kanya, e, wait and see pa rin sila kung puwede na siyang sugalan para sa isang milyones ang halagang project.

“Nakapanghihinayang naman talaga ang beauty niya, pero kung wala namang manonood sa movie niya, e, nakakaawa ang producers. Kaya nga sila nagpo-produce, e, para kumita, di ba?

“Kulang kasi sa charisma ang girl, tapos, ang dami-dami pang kuwento tungkol sa kamalditahan niya, kaya imposible ngang makabawi ang mga producers kung mamumuhunan sa pelikula niya.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang girl na ito, nakakapagtaka kung hindi n’yo siya kilala. Aaaaaaaawwww !!!! ” pagtatapos ng aming nakataas ang kilay na source.

Mahirap ang sitwasyon kapag ang ina ng isang artista ay artista rin. Lalong mahirap kapag ang nagma-manage sa career ng personalidad ay kadugo niya rin.

Mas maganda kung ibang tao ang magpapatakbo ng career ng anak, hindi ang kanyang magulang, dahil hindi magiging objective ang desisyon ng magulang para sa karera ng kanyang anak.

Artista rin s Estrada. Sikat n throb naman ang anak na si Daniel Ipinaubaya na ni Star Magic ang car pero sa mga isyung palooban ng guwa tor ay palaging nak Karla.

Ang ina ni Da paboritong busk mga bashers, sagot nang sagot, hang

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.