BONG MAKAKALAYA NA RAW SA MAYO

Hashtag Ryle kinalmot sa mukha ng nanggigil na fans

Bandera - - FRONT PAGE -

UNSTOPPABLE pa rin ang Unkabogable Star na si Vice Ganda as she performed sa golden birthday celebration ni Bacoor City Mayor Ate Lani Mercado-Revilla na ginanap sa Cavite Coliseum last Friday.

Tila wala siyang iniindang sakit sa katawan. May mga moves pa rin si Vice habang humahataw sa pagkanta sa kanyang opening number, and with a complete band and backups.

After ng number niya, join sa kanya on stage ang kanyang mga kaibigang stand-up comedian na sina MC at Lazzy para sa kanilang comedy bar skit na walang humpay na laitan sa isa’t isa. Aliw na aliw naman ang crowd siyempre sa kakulitan ng tatlo on stage.

Grabe ang walang puknat na hiyawan at sigawan ng fans kay Vice habang kumakanta, huh! Kaya siguro kahit ‘di pa completely healed ang kanyang operasyon, ganadung-ganado pa rin siyang mag-perform. But prior to Vice performance, ang aktor na si Gabby Concepcion muna ang nag-perform para sa birthday celebration ni Mayora Lani. Tilian din siyempre nang todo-todo ang mga tao kay Gabby. Dito nabanggit din ni Gabby na siya ang first leading man sa pelikula ni Mayora Lani.

Ang daming performers that night pero ang isa sa pinakahighlight and very emotional part ng celebration ay ang surprise “appearance” ng better half ni Mayora na si former Sen. Bong Revilla, Jr.. Na-surprise si Lani nu’ng biglang lumabas on screen si Sen. Bong habang kumakanta ng pinamagatan niyang "Lani Mercado" song to the tune of "Despacito."

So, na-imadyin ninyo ang mga "da moves" ni Sen. Bong habang kinakanta niya ang "Lani Mercado" song na for sure siya rin ang na-compose ng lyrics. Pagkatapos ay humirit pa ng isang kanta si Sen. Bong, inawit niya ang "Miss Na Miss Kita” na pinalitan niya ng "O, Lani Ko" ang linyang, "O, giliw ko."

Antaray ni Sen Bong, composer na, huh! Feeling namin nakapagrecord na ng isang buong album si Sen. Bong sa loob ng PNP Custodial Center. Hindi kaya paglabas niya, e, mag-iba na siya ng career?

And speaking of paglabas, mismong matalik niyang kaibigan at kapwa senador na si Jinggoy Estrada ang nag-announce sa mga tagaBacoor na malapit na malapit na nilang makapiling si Sen. Bong. At mangyayari raw ‘to sa susunod na buwan.

Grabe pala ang nangyari sa isa sa nationwide school tour ni Hashtag Ryle Santiago para sa Cherub’s baby wipes na ini-endorse niya. Dinumog ng fans si Ryle kaya nagkagulo. Hindi na tuloy natapos pareho ‘yung dalawang program na naka-set sa kanyang tour that day.

May malalim na kalmot sa mukha si Ryle mula sa sumugod na fans. Pero ang matindi, marami ang nasaktan at dinala sa ospital. Laking pasalamat na lang ni Ryle na okey naman ‘yung mga dinala sa ospital after mabigyang lunas.

Dahil diyan, nagdesisyon si Ryle na kumuha ng bodyguard kapag pupunta siya sa malalayong lugar. Hindi raw kaya na isang PA lang ang kasama sa ganu’ng personal appearances. First time rin niyang mag-tour sa probinsya na mag-isa lang.

Tuluy-tuloy pa rin ang taping niya para sa Kapamilya serye na Asintado at may It’s Showtime pa siya everyday.

Speaking of Showtime, aware si Ryle sa usap-usapan tungkol sa mga kasamahan niya sa Hashtags na sina Bugoy Carino at Jon Lucas na hindi na napapanood sa noontime show ng ABS-CBN.

“Hindi na sila pumapasok. Hindi lang sila pinapapasok ngayon kasi siyempre ang daming rumors. So, sabi, ‘O, siguro, pahinga na muna kayo.' Pero Hashtag pa rin sila,” kumpirma ni Ryle.

Nu’ng kumalat daw ang balita na diumano’y nakabuntis sina Bugoy at Jon nakausap daw niya ang dalawa. Nagtatrabaho pa rin daw si Bugoy sa isang online show. Habang si Jon ay may teleseryeng ginagawa.

Bad influence raw sina Bugoy at Jon sa viewers especially sa mga kabataan, “Hindi naman,” depensa ni Ryle sa kanyang mga kamiyembro. “Kung totoong nakabuntis, e, ano naman? Gift ‘yun mula Diyos."

May nagkomento naman na bakit sina Bugoy at Jon lang ang “temporary” na wala sa show gayung ang co-Hashtag din naman nila na si Nikko Natividad ay may anak na rin sa pagkabinata. “Exactly,” sambit ni Ryle.

BONG REVILLA AT LANI MERCADO

RYLE SANTIAGO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.