Roach di pa pinalitan ni Pacman

Bandera - - HEART 2 HEART -

ILANG araw matapos na mapabalitang pinutol na ni Manny Pacquiao ang koneksyon sa trainer nitong si Freddie Roach, nagpalabas ng pahayag ang dating world champion na hindi pa siya nagdedesisyon kung sino ang kanyang magiging head trainer kontra Lucas Matthysse sa Hulyo.

Umani ng batikos si Pacquiao matapos na mapabalitang humiwalay na ito kay Roach, na nakasama nito sa kanyang korner magmula pa nang kanyang unang pagsabak sa USA noong 2001.

Subalit mukhang nagbago ng isip si Pacquiao.

“Contrary to statements which I personally did not make that are circulating in the media, I have not made my final decision who will be my head trainer for my July 14 fight with Matthysse,” sabi ni Pacquiao sa pahayag na inilabas nito sa kanyang mga social media account.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.