3 murder suspect tumba

Bandera - - FRONT PAGE - Ni John Roson

PATAY ang tatlong lalaking wanted para sa kasong murder makaraang makipagbarilan sa mga pulis na dadakip sa kanila, sa Parang, Maguindanao, Lunes.

Napatay sina Abib Sarotsong, Acero Kibad, at Todto Pangalian, pawang mga nasa legal na edad at residente ng Brgy. Liong, Barira, ani HINDI bababa sa apat katao ang nasugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa Maguindanao at North Cotabato, kamakalawa ng gabi, ayon sa mga otoridad.

Sugatan ang tatlong lalaki nang hagisan ng granada ng mga nakamotorsiklo ang isang sarisari store sa bayan ng Pikit, ani Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng North Cotabato provincial police.

Nag-iinuman sina Leonardo Paclayon, 52; Ariel Abrenica, 36; at Jerry Cordova sa tindahang nasa Brgy. Kulambog alas-7, nang hagisan ng granada ng dalawang lalaking magkaangkas sa motor, aniya.

Nagtamo ang tatlo ng pinsala sa iba-ibang bahagi ng katawan, kaya isinugod ng mga kaanak sa Aleosan District Hospital. Chief Supt. Graciano Mijares, direktor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police.

Nagsagawa ng operasyon ang Parang Police para dakpin ang tatlo sa Brgy. Gumagadong Calawag, alas11:50 ng umaga.

Isinagawa ang operasyon sa bisa ng arrest warrants na inisyu ni Cotabato City Regional

Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng mga salarin, na sinasabing tumakas patungo sa direksyon ng Brgy. Tapudok, Aleosan.

Ilang minuto bago ito, alas-6:40, isa ring pagsabog ang naganap sa sa Brgy. Awang, bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nasugatan sa pagsabog si Cherry Joy Arayo, 21, isang balut vendor.

Itinakbo si Arayo sa station hospital ng Army 6th Infantry Division sa Camp Siongco, doon din sa Awang, para malunasan.

Nagpadala ng mga pulis at sundalo sa blast site para mag-imbestiga at alamin kung anong uri ng pampasabog ang sumambulat.—John Roson Trial Court Branch 13 Judge Bansawan Ibrahim para sa murder, ani Mijares.

Sangkot umano sina Sarotsong, Kibad, at Pangalian sa gun-forhire activities, at maging sa pagbebenta ng iligal na droga, ayon naman sa isang ulat sa radyo.

"During the operation, [the] suspects, while on board a motorcycle, shot the operatives using their pistols so operatives returned fire," ani Mijares.

Narekober sa mga napatay ang dalawang kalibre-.45 pistola, mga bala, at ang kanilang motor.

Agad sinundo ng mga kaanak ang bangkay ng mga suspek para maipalibing, ani Mijares.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.