NFA Council di binuwag ni Du30

Bandera - - FRONT PAGE -

NAGDESISYON si Pangulong Duterte na huwag buwagin ang National Food Authority (NFA) Council bagamat inilipat niya ang pamamahala nito sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinamunuan ni Duterte ang pagpupulong ng NFA Council.

“The NFA Council w i l l n o t b e a b o lished...The NFA, the Philippine Coconut Authority (PCA), and the Fertilizer and Pesticides Authority (FPA) will be made attached to the DA,” sabi niya.

Idinagdag ng opisyal na inaprubahan din ni Duterte ang pag-aangkat ng 250,000 metriko tonelada ng bigas sa pamamagitan ng government to government (G2G).

“Imported rice is set to arrive soon. Subsequent importation is to be done by G2P or auction and importation will be implemented/ supervised by the Executive Council Committee headed by the Office of the President (OP),” dagdag niya.

Nauna nang naglabas ng magkaibang pahayag sina Agriculture Secretary Manny Pinol at Roque, kung saan sinabi ng una na bubuwagin na ang NFA Council na kinontra ng huli.—Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.