Ex-parak nanutok ng enforcer, tiklo

Bandera - - FRONT PAGE -

KALABOSO ang retiradong pulis na nanutok umano ng baril sa mga traffic enforcer na pumara sa kanyang sinasakyang UV Express sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa grave threat at paglabag sa gun ban si Robertson Estrella, 53, ng Pandi, Bulacan. Narekober sa suspek ang kalibre .45 pistola at mga bala. Simula noong Sabado ay pinagbabawal ang pagdadala ng baril maliban na lamang kung mayroong exemption mula sa Commission on Elections. Ayon sa ulat ng pulisya, pinara ng mga traffic enforcers na sina Wilson Balceta, 46, at John Bangalisan, 24, ang UV Express na sinasakyan ng suspek sa tapat ng Commission on Audit sa Commonwealth Avenue alas-6:25 ng gabi. Nakialam umano ang suspek sa usapan ng mga traffic enforcer at driver ng UV Express. Sa gitna ng pagtatalo ay bumunot umano ng baril ang suspek at tinutukan ang mga traffic enforcer. Humingi ng tulong sa mga pulis ang traffic enforcer na nagresulta sa pagkakaaresto kay Estrella.—Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.