Swimming toys may lason

Bandera - - FRONT PAGE -

PINAG-iingat ng EcoWaste Coalition ang mga magulang sa pagbili ng mga gagamitin sa swimming ng kanilang mga anak.

Ayon kay Thony Dizon, chemical safety campaigner ng EcoWaste, ang mga inflatable aquatic toys ay gawa sa polyvinyl chloride plastic na maaaring ginamitan phthalate additives.

Ang phthalate additives na ito ay maaaring makaapekto sa hormonal functions at magdulot ng problema sa developmental at reproductive system ng mga bata.

Sinabi ni Dizon na mayroong mga phthalatefree swimming toys na mura rin ang halaga.

“We advise parents to only buy safe swimming toys that will not pose chemical risk or cause accidental drowning or injuries to children,” ani Dizon.

Noong 2011 ay nagpalabas ang Department of Health ng babala laban sa phthalates na ginagamit sa laruan ng mga bata. Ang phthalates ay maaaring mag-leak mula sa plastik at makain ng bata. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.