1 patay, 19 sugatan sa aksidente

Bandera - - FRONT PAGE -

ang pamamaril sa nakatakdang halalan. ISANG lalaki ang nasawi at di bababa sa 19 katao ang nasugatan sa magkasunod na aksidente sa lalawigan ng Sorsogon, kamakalawa ng hapon at gabi.

Dead on the spot si Ulpiano Placios, 41, nang magkagutay-gutay ang ilang bahagi ng katawan at maputulan pa ng kanang binti matapos masalpok ng pampasaherong bus ang sinakyan niyang tricycle, ayon sa ulat ng Sorsogon provincial police.

Sugatan naman ang tricycle driver na si Michael Llave, 39, at isa niya pang pasaherong si NJ Lorenzo, 29.

Nasalpok ng DLTBCo. bus (UYE-162) na dala ni Emerito Ricamara, 53, ang tricycle ni Llave sa Brgy. Esperanza alas-8:30, ayon sa ulat.

Dinala sina Llave at Lorenzo sa Bicol Regional Teaching and Training Hospital sa Legazpi City, Albay.

Una rito, alas-5 ng hapon, di bababa sa 17 katao ang nasugatan nang bumaligtad ang sinakyan nilang jeep sa bahagi ng Maharlika Highway na sakop ng Brgy. Ticol, Sorsogon City.

Minamaneho ni Jose Gabuna Jazmi, 37, ang jeep mula Sorsogon City proper patungong Brgy. Cumadcad, nang maganap ang insidente. shabu, sa buy-bust operation sa Mabalacat City, Pampanga, Lunes ng gabi.

Naaresto sina Jake Lee, 36, at nobya niyang si Joy Ann Casuparan, 18, ayon sa ulat ng Central Luzon regional police.

Isinagawa ng Mabalacat Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon sa Samsonville Subdivision, Brgy. Dau.

Nakuhaan sina Lee ng apat na sachet na may P5,000 halaga ng hinhinalang shabu, cellphone, at P1,000 marked money. ni Myrna Ramos, may karamdaman umano sa pagiisip, matapos maapula ng mga residente ang apoy, ayon sa ulat ng Quezon provincial police.

Nagsimulang masunog ang bahay ni Ramos sa Sitio Palomera, Brgy. Poblacion 6, alas-11:40 ng gabi Linggo.

Dumating ang mga bumbero ala-1:22 ng umaga Lunes, pero naapula na ng mga residente ang apoy.

Lumabas sa imbestigasyon na napabayaang gasera na may sindi ang sanhi ng sunog.—John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.