Bagong barya pwede na sa MRT, LRT vendo

Bandera - - FRONT PAGE -

TINATANGGAP na ng mga Ticket Vending Machines ng Light Rail Transit Line 1 at 2 at Metro Rail Transit 3 ang mga bagong barya na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa Department of Transportation-Railways Sector, tinatanggap na ang mga bagong P1, P5, at P10 ng mga TVM.

Ang AF Payments, Inc., ang nasa likod ng pagbebenta ng mga tiket sa pamamagitan ng vendo, ay nagsimulang mag-calibrate ng mga TVM noong Enero.

“The newly designed coins, as component of the day-to-day transactions to pay for goods and services, have become completely part of the railway transport system as the recalibration of the TVMs was completed on April 16,” saad ng DoTr.

Bukod sa mga vendo machines, maaari ring bumili ng mga tiket sa mga teller. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.