KILALANG AKTRES SINASAMBA A DYOWANG HUNK ACTOR; MATINDI RUMESBAK PAG INATAKE NG SELO

Balikan nina Coco at Yas 'Probinsyano' inaabanga

Bandera - - FRONT PAGE - BY CRISTY FERMIN

KUNG pagiging selosa ang pag-uusapan ay walang kahit sinong makakakabog sa isang magandang aktres.

Kailangan pa ba ng mga patunay kung bakit? Ilang babaeng personalidad na ba ang kanyang inaway dahil sa sobrang selos sa mga babaeng sa pakiramdam niya ay may gusto sa kanyang karelasyong aktor?

Namamatay-nabubuhay ang mga kuwento. Walang makalilimot sa pangongompronta niya sa magagandang babaeng kinaiinsekyuran niya. Sa ganda niyang ‘yun ay may lugar pa rin talaga sa kanyang isip at puso ang sobra-sobrang pagseselos.

Kuwento ng aming source, “Nu’ng minsan, e, kinausap na siya nang masinsinan ng isang close friend niya. Pumutok kasi ang balitang ikinulong niya sa CR ang isang magandang young actress.

“So, akala naman ng taong ‘yun, e, makikinig sa kanya ang girl, pinangaralan niya ang magandang aktres, sinabihan na hindi makagaganda sa image niya ang pagiging butangera.

“Alam n’yo kung ano ang nangyari? Hindi na niya kinibo pa ang taong nagpaliwanag sa kanya na hindi makagaganda sa career niya ang pagiging sobrang selosa.

“Hanggang sa one day, nalaman na lang ng mga friends niya na talagang tinikis na niya ang becki, hindi na kinikibo, inalis na niya sa buhay niya ang taong concerned naman sa kanya.

“Ito ang pinakamatindi. Vibes pa rin ang becki at ang karelasyon niya. Galit na galit siya, inaway niya ang guwapong male personality, bakit daw mas kinakampihan pa ng boyfriend niya ang becking nagmamarunong na itinapon na niya?

“Ganu’n ka-close ang utak niya, wala siyang pinakikinggang kahit sino kapag umaandar na ang pagiging insecure niya. Aawayin talaga niya ang buong mundo nang dahil sa lalaking halos sambahin na niya!” kuwent ing impormante

Naku, Brad varra, Tita Nen day, Jon at Chin ta Silverio, may i Naman! Aaaaaw

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.