Bitoy personal na binigyan ng regalo ang mga ‘Avengers’

Bandera - - FRONT PAGE - BY ERVIN SANTIAGO

MAGSILBI sanang inspirasyon ang bokalista ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda sa mga Pinoy na nahihirapang tumigil sa pagyoyosi.

Sa kanyang Facebook account, idinetalye ni Chito kung paano siya nagtagumpay sa pagquit sa paninigarilyo na sinimulan niya noon pang grade six siya.

Narito ang litanya ni Chito: "Subok subok lang para cool kunyari. Tapos medyo dumalas nung 2nd year highschool dahil kay Buwi hehe! Magtatago kami sa gilid ng chapel sa tabi ng bahay nila tapos magyoyosi lang kami dun habang nagkukwentuhan.

"Pagpatong ng 3rd year highschool, nagsimula na akong bumili ng sarili kong pack at mag-yosi araw araw. Dun na nagtuluy-tuloy. That was 1992," pahayag pa ng singer.

Inamin din niya na dumating din ang puntong hindi na siya makapag-perform nang maayos kapag hindi nakakapagyosi. "Sa katunayan (at alam ng mga kabanda ko 'to, pati ng mga sound engineers namin), na di ko kayang kumanta ng maayos ng hindi naka-yosi. Ang normal process namin during recording was, kakanta muna ako paulitulit para aralin yung kanta at yung delivery ng vocals, and once alam ko na kung paano ko gusto kantahin yung song, mag-yoyosi ako sandali, tapos pagbalik ko sa vocal booth, sakto na yung timpla at quality ng boses ko."

Pagpapatuloy pa ng Parokya Ni Edgar vocalist, "Kinasal ako and started a family. Tinigil ko ng todo ang paninigarilyo nung pregnant si Neri (Naig) kasi ayoko ma-contaminate yung baby namin hehe! And nung lumabas si Miggy, nag-decide ako to live as healthy as possible, kasi gusto ko maalagaan ng todo ang pamilya ko hanggang sa pagtanda.

"Pero pinanindigan ko at sinanay ko yung sarili ko na kumanta nang hindi naka-yosi. Eventually, nasanay din ako, at ayun...pangit pa rin boses ko. Wala naman yatang nakapansin hahaha," aniya pa.

Inggit na inggit kay Michael V ang kanyang mga social media followers!

E, kasi nga, hindi lang niya nakita up close and personal ang mga bida sa pelikulang "Avengers: Infinity War" mula sa Marvel, na-interview pa niya ito. Isang certified "Avenger" fan si Bitoy kaya dream come true sa kanya ang maimbitahan sa premiere ng nasabing Hollywood movie sa Singapore.

Bukod sa personal na pakikipagchikahan sa mga bida ng pelikula, naibigay pa ng Kapuso comedian mga ginawa niyang sketch ng mga superhero characters na kasama sa "Avengers".

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Bitoy ang ilang video clips at litrato na kuha sa nasabing event. Personal niyang naibigay kay Karen Gillan ang sketch ni Nebula, na siyang ginagampanan ng aktres sa pelikula. Naiabot din niya kay Benedict Cumberbatch ang sketch ni Dr. Strange.

At siyempre, tuwang-tuwa din si Michael V nang personal niyang maibigay kay Robert Downey Jr. ang sketch ng karakter nitong si Iron Man.

Bago maganap ang event, nag-post pa si Bitoy ng isang video habang dino-drawing ang

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.