KRIS UMAMIN: KAILANGAN KONG PATUNAYAN ULI ANG SARILI KO!

Arjo Atayde bagay maging abogado, may angas sa korte

Bandera - - FRONT PAGE - BY REGGEE BONOAN

NA-CURIOUS ang social media followers ni Kris Aquino sa ipinost niya sa Instagram nitong Lunes, partikular na sa sinabi niyang "magbabalik" gamit ang hashtag na #home at #family.

“I needed to prove myself, on my own. I needed for them to be the ones to reach out and somehow the TIMING & the PEOPLE who did the admittedly complicated negotiations had the right chemistry. I love the project & have so much respect for the production team.

“In San Francisco, I prayed for God to guide all of us in the right direction, in what would be best for all of us, now in Tokyo, I got the all systems GO confirmation and this Friday may nininerbyos na magbabalik #home #family #lovelovelove.”

Umabot sa mahigit na 4,000 ang nag-like at daandaan naman ang bumati at nagsabi ng "goodluck" sa mama nina Joshua at Bimby.

Ang alam namin, tungkol pa rin ito sa pelikulang gagawin ni Kris sa Star Cinema. Baka malapit nang matapos ang script nito dahil base sa huling pag-uusap namin ng bagong manager niya (for non-digital) na si Erickson Raymundo ay inaayos pa ang materyal ng movie.

Muli silang magmimeeting ng executives ng nasabing movie outfit pagdating ng bagong talent ng Cornerstone Entertainment.

Anyway, sa Abril 20 na ang balik ng Pilipinas nina Kris base sa post niyang “#LostInJapan by @shawnmendes Bye @rbchanco & @nix722 See you on the 20th. My food & details photography I feel is improving- realizing that apart from writing. I am very interested in travel photography.

"Then later on I want to progress beyond just Flipagram editing & I want to expand my musical interest beyond POP, #BTS, @eminem, hiphop, Christian contemporary, relaxing classical, and as Bimb calls them emo ballads. GOOD NIGHT. We thank you for your affection. God bless you.”

Nabanggit din ni Kris na habang nasa Japan siya ay may na-close na naman siyang deal para sa isang produkto na magiging brand partner niya. Kung tama ang bilang namin ay aabot na sa 55-57 ang endorsement at brand partnership ng

KCA.

Bagay palang maging abogado si Arjo Atayde, ang karakter niya ngayon sa Kapamilya seryeng Hanggang Saan bilang Atty. Paco Alipio. Gagawin niya ang lahat para madiin ang akusadong si Jacob (Ariel Rivera).

Akala namin ay kami lang ang nakakapansin na bagay sa aktor ang papel na abogado, marami rin pala lalo na ang TFC subscribers na nanonood parati ng Hanggang Saan.

Puring-puri ng viewers si Arjo lalo na kapag magkaeksena sila ni Ariel na kilala ring magaling na artista. Gustunggusto nila ang angas nito kapag nasa korte.

Base sa umereng kuwento ng HS nitong Biyernes, Abril 13 ay subtle ang pandidikdik ni Paco kay Jacob kung saan ipinakita ng una ang palitan nila ng mensahe ng asawang si Jean (Teresa Loyzaga).

“The Devil is in the detail,” ito ang sabi ni Paco kay Jacob nang hindi siya makasagot sa tanong ng abogado kung paano niya nalaman kung saan nagpunta nu’ng gabing mabaril si Edward Lamoste (Eric Quizon) dahil maski sariling asawa ay hindi alam pati na mga pulis at media. At nagawa pa raw nitong magtanong ng, “Is he still alive?”

Natulala si Jacob dahil nagbalik na sa alaala niya lahat ng ginawa niya noong namatay si Edward at kahit na anong tawag sa kanya ng abogada niya ay hindi niya pinapansin kaya humingi ng recess ang tagapagtanggol ng nasasakdal.

Ang saya-saya naman ng pamilya ni Paco na sina Sonya ( Sylvia Sanchez), kapatid na si Domeng (Yves Flores )atsi Anna (Sue Ramirez) kasama ang inang si Jean, Yaya Letty (Ces Quesada) dahil napatameme ng una si Jacob.

“He’s a rockstar,” say naman ni Anna at niyakap naman ni Jean ang ex-boyfriend ng anak dahil sa napakahusay nitong pag-cross examine kay Jacob.

Going back to Arjo, mainspire kaya siya sa karakter niyang abogado at ito na rin ang kunin niyang kurso kapag bumalik siya sa pag-aaral?

Samantala, abangan ang huling dalawang linggo ng Hanggang Saan sa ABS-CBN dahil hindi pa rin titigil si Jacob na gumanti dahil may mga inutusan siyang mga tao para sirain ang buhay ng mga Alipio at si Anna na inakalang nag-iisa na lang sa buhay dahil nga inakalang patay na si Jean.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.