Sofia Romualdez walang balak mag-artista tulad ng ina

Bandera - - FRONT PAGE -

BONGGACIOUS ang ginanap na single launching ni Sofia Romualdez, ang napakagandang anak nina dating mayor Alfred Romualdez at Tacloban Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez.

Talbog ang lahat ng OPM singer sa ginanap na launching ng bagong kanta ni Sofia titled "Thinkin’ Of U" mula sa Viva Records. Imagine, hindi pa full album ‘yan, ha! Pero nagmistulan ngang concert ang event na ginanap sa Manila Polo Club sa McKinley, Forbes Park, Makati City.

Bata pa lang ay talagang hilig na ng dalaga ang pagkanta at pagko-compose at nagpapasalamat siya sa kanyang mga magulang dahil 100 percent ang ibinibigay na suporta ng mga ito sa kanyang passion.

"Music was always in me, there was never really a time where it wasn’t my passion. I never really saw mayself doing anything else besides music gorwing up,” aniya matapos mag-perform para sa members of the entertainment press.

Ngunit ayon sa anak ni Mayor Cristina, wala pa siyang balak sa ngayon na maging artista at sundan ang yapak ng kanyang ina dahil aniya, "I don’t wanna be a star. I just wanna make music.”

Ikalawang kanta na ni Sofia ang "Thinkin’ Of U", ang una niyang single ay ang "Pikit Mata" na kasama sa soundtrack ng Viva Films movie na "FanGirl FanBoy" nina Julian Trono at Ella Cruz.

Ayon pa sa dalagang singernais din niyang makatulong sa pagpapalaganap ng OPM sa buong mundo, "I wanna help OPM and I wanna make good music for everyone. I love music, that’s what I’ve always wanted to do and that’s what I see myself doing forever.”

Alam n’yo ba na marami na ring nacompose ng kanta si Sofia at nais niyang ipagpatuloy ito dahil nais niyang magsilbing inspirasyon sa mga kabataan na nangangarap ding makapasok sa music industry.

Pero aniya, "But I don’t really write to sell, it defeats the purpose of being ang artist. Being yourself is key, it’s better to sound weird than to sound like every other ‘artist’ in the market. We shouldn’t be afraid to express ourselves, that’s the point of being an artist after all.”

“I also want to introduce my sound, my music and my inspiration to the millennials,” aniya pa.

In fairness, iba rin ang tunog at style ni Sofia na siguradong papatok sa mga millennial kaya naniniwala kami na malayung-malayo ang mararating niya bilang musician.

Mahilig din sa mga "hugot" songs ang dalaga na nagsilbing inspirasyon niya sa pagiging singer. “I listen to old jazz music, but I love of course new music. It’s more of Jazz, R&B kind of thing,” paglalarawan niya sa klase ng kanyang musika.

Inamin din ni Sofia na mas lalo siyang naging passionate sa pagkanta at pag-compose matapos hagupitin ng Typhoon Yolanda ang Tacloban noong 2013 kung saan sila naninirahan.

Ano naman ang payo sa kanya ng kanyang ina nang magdesisyon siyang pasukin na rin ang entertainment industry? “My mom always tells me to stay humble and work hard for my dreams. And to always give my best in everything that I do.”

Maaari n’yo nang i-download ang "Thinkin’ Of U" sa Spotify, Apple Music at iba pang digitan music stores. Ibinalita rin ni Sofia sa launching ng kanyang bagong kanya na in the works na rin ang kanyang full album under Viva Records.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.