Heart Enemies

Bandera - - HEART 2 HEART -

Mabilis ang mga alagad ng batas. Dahil marami ang nakasaksi na sinadya talaga ni Charlene ang pagsaksak kay Nico, itinuro siya ng mga tao.

“Iyan ang criminal! Si Killer Machine! Talagang mamamatay-tao ‘yan!”

Huhulihin si Charlene pero nanlaban.

Gumana ang killer instinct nito.

Ginamitan ng samurai, apat na tao ang nalagas. Nagkapigtal-pigtal ang mga ulo.

Nayanig si Laila nakita.

Nakatakas na si Charlene bago siya makabawi sa madugong karahasan.

NAKAHINGA nang maluwag si Dave dahil nakita sa live coverage ang pangyayari na buhay si Laila.

At pinuri pa ng mga kasamahan niyang preso. sa

“Galing ng misis mo, Dave! At napakaganda! Nanalo siya laban kay Killer Machine!”

“Ipinagmamalaki ko siya!” Liyad ang dibdib ni Dave.

“Pero paano ‘yan, sobra yata ang galit sa kanya ni Killer Machine? Malamang babalikan ang misis mong napakaganda!”

“Marami na ang tulung-tulong na mga ahensya laban kay Charlene kaya umaasa na lang ako na mahuhuli si Charlene bago makagawa ng damage sa aking mag-ina”.

GIGIL na gigil nga si Laila habang nai-imagine pa kung paano niya nailigtas si Charlene pero walang pasalamat, nakatakas pa ito.

Nasa gitna siya ng madugong live show.

May nakalapit sa kanya na isang tv reporter at pinilit namang ibigay sa kanya ang mic para makasagot siya.

“Bale kayo na ang nanalo sa laban dahil kita ng lahat na hindi ka sumuko.”

“Panalo na nga ba? Pero bakit natatakot pa ako?”

“Dahil nakatakas si Killer Machine?”

“Na maraming pinatay. Ilan pa ang papatayin niya para naman mabalikan ako at ang laban namin?”

“Laila ...” Nagmamadaling lumapit sa kanya si Trainor.

“Trainor! Paano nangyari ito? Alam n’yo talaga pero hindi ninyo sinabi sa akin?”

Napayuko ang trainor bilang paghingi ng paumanhin saka sumagot.

“Wala akong alam pero kasalanan ko ang neglect na iyon.”

“Delikado na nakakuha pa siya ng advance knowledge sa kill combat.

Wala talaga siyang alam kundi magalit at pumatay.”

Napatiim-bagang ang trainor.

“I’m going to hunt her. Ako lang ang may responsibilidad para maikulong siya para wala nang dagdag karahasan ang mundo.”

Itutuloy...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.