3 dam naglabas ng tubig

Bandera - - FRONT PAGE -

TATLONG dam na ang nagpakawala ng tubig kahapon bilang antisipasyon sa ibubuhos na ulan ng bagyong Ompong.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, nagbukas na ng tig-isang gate kahapon ng umaga ang Magat dam sa Isabela, at Ambuklao at Binga dams sa Benguet.

Sinabi ng hydrologist na si Richard Orendain na kailangang magpakawala ng tubig ang dam dahil malapit nang umabot ang lebel ng tubig ng mga ito sa spilling level.

Noong Huwebes pa nagsimulang magpakawala ng tubig ang Magat dam. Ang lebel ng tubig nito ay 188.55 metro at ang normal level nito ay 190 metro.

Ang Ambuklao naman ay 751.09 metro ang lebel ng tubig at ang normal nito ay 752 metro. Ang Binga dam ay 574.16 metro at ang normal ay 575 metro.

Ang tubig na pinapakawalan ng Ambuklao at Binga dams ay napupunta sa San Roque dam sa Pangasinan.

Ang lebel ng tubig sa San Roque dam ay 274.28 metro. Ang normal level nito ay 280 metro.—Leifbilly

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.