Kandila sinisi sa sunog

Bandera - - FRONT PAGE -

NASUNOG ang isang compound sa Brgy. 175, Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Fire Insp. Elyzer Leal, station commander ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP), umabot lamang sa unang alarma ang sunog. Sumiklab ang apoy pasado alas-11 ng gabi at naapula ala-1:28 ng madaling araw. Nabatid na naiwang nakasinding kandila ang sanhi ng sunog. Ayon sa may-ari ng bahay na si Francisco Parejo, nagbrownout alas-9 ng gabi kaya nagsindi sila ng kandila. Maswerte namang walang nasugatan sa insidente.—Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.