Ex-driver ni Peter Co inambus, dedo

Bandera - - FRONT PAGE -

BINARIL at napatay ng limang hindi pa nakikilalang salarin ang dating driver ng drug lord na si Peter Co habang patungo ito sa korte sa Batangas City, kahapon.

Ani Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon police, ineeskortan si Elvis Areglo ng mga miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa provincial jail patungong regional trial court nang mangyari ang pananambang.

Dadalo sana si Areglo sa pagdinig ng kanyang kaso.

Dead on the spot ang biktima sa dami ng mga tama ng bala sa katawan, ani Gaoiran.

Sinabi ni Supt. Sancho Celedio, hepe ng San Pedro City police, na sakay si Areglo ng sasakyan ng BJMP nang parahin ng mga salarin alas-8. “Initially [we learned that] there were three to four [gunmen]. [Areglo] was with around five other detainees, who also had a scheduled hearing but it seemed he was the only target,” sabi ni Celedio.

Matatandaang naaresto si Areglo, kasama ang dalawang iba pa, sa Lipa City, Batangas dahil sa pagbibiyahe ng mga kemikal na ginagamit sa paggawa ng shabu.

“He was a known drug supplier in Batangas and became one of the leaders inside the jail that [detainees] referred to him as ‘Boss Elvis'," dagdag ni Celedio. —Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.