12 timbog sa cyberporn den

Bandera - - FRONT PAGE -

ARESTADO ang 12 katao nang lusubin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apartment na ginagawang cyberpornography den sa Dagupan City.

Maliban sa 10 kalalakihan, kasama ang mayari ng bahay na si George Adam Tan, huli rin ang dalawang babae na naaktuhang nakikipag-usap sa kanilang kliyenteng banyaga alas-10 ng umaga sa raid sa Brgy. Tapuac, ani said Rizaldy Jaymalin, NBI Dagupan chief.

Hindi naman pinangalanan ni Jaymalin ang iba pang mga suspek bagamat sinabing nagpapanggap ang mga lalaki bilang babae para makaakit ng mga kliyente at mag-subscribe sa kanilang website sa halagang $50.

“If their clients ask them to strip down, they would play a pre-recorded video,” sabi ni Jaymalin.—Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.