SIKAT NA AKTOR NA LAGING NAKA NAPABAYAAN NA ANG KATAWAN; B

Erik 15 taon na sa showbiz pero di pina

Bandera - - FRONT PAGE - BY JUN N

HINDI na masyadong nakakakuha ng atensiyon sa mga pinupuntahan niyang bar ang isang guwapong aktor. Sikat siya, mahusay umarte, pero nagiging ordinaryong tao na lang siya sa kanyang paglalagalag sa mga pampublikong lugar.

Hindi yata naniniwala ang guwapong bagets actor na ito sa law of supply and demand, ayon sa mga nakakakita sa kanya, kaya wala nang gaanong interesado sa kanya kapag nagba-bar hopping siya.

Kuwento ng aming source, “Nakakatuwa ang mga artistang alagang-alaga ang kanilang career. ‘Yung hindi sila madalas nakikitang pakalat-kalat, ‘yung sabik ka kapag nakita mo na sila, kasi nga, iniingatan nila ang career nila.

“May mga artistang ganu’n, hindi tulad ng ibang artista na kahit saan, e, makikita mo. Tulad nga ng guwapong hunk actor na ito na kapag walang commitment sa showbiz, e, kung saan-saan mo makikita.

“Hala, palipat-lipat siya ng bar kasama ang mga barkada niya. Napakaordinaryo na lang niya ngayon, parang hindi na siya pinapansin, kasi nga, nawawalan na siya ng mystery.

“Paano ka pa naman masasabik sa isang artistang kahit saan, e, nandu’n? Palaging nasa mga public places!” simulang kuwento ng aming machikang impormante.

Napapansin din ng mga miron na parang napababayaan na ng young actor ang kanyang katawan. Hindi na halos niya naaasikaso ang sarili niya dahil ang dami-dami nang pagbabago sa itsura niya.

Patuloy na chika ng aming source, “Parang palagi siyang walang tulog at pahinga. Lumalalim ang humpak sa pisngi niya, meaning, nangangayayat siya. Instead na ipunta niya sa mga bar, e, bakit kasi hindi na lang siya magpahinga?

“Nagmumukha na tuloy siyang tuyot, pati ang wetpax niya, parang nakalubog na rin! Kailangan niyang bigyan ng time ang katawan niya, ang guguwapo rin ng mga kasabayan niyang young stars!

“Nagdyi-gym sila, kaya ang gaganda ng katawan ng mga ka-contemporary niya. Ganu’n din dapat ang gawin niya, para gumanda ang body niya. Sayang, ang guwapo pa naman niya, pero kung ganyan namang nakikita na siya sa kung saansaan, sino pa ang masasabik sa kanya?” pagtatapos ng aming source.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, paborito n’yo pa naman ang kulay pula, in short, red.

Ngayon pa lang ay nakalaan na ang petsang September 22 para sa amin. Kasama ang mga anakanakan naming nagtatrabaho sa News 5 ay manonood kami ng 15th anniversary concert ni Erik Santos sa MOA Arena.

Wala kaming pinalalampas na concert ng magaling na singer, pakiramdam kasi nami’y sulit na sulit ang aming oras sa panonood sa kanya, wala kang pagsisisihan dahil ginagawa niyang makabuluhan ang effort at panahon mo sa pagsuporta sa kanya.

Lalo na ngayon, labinglimang taon na siya sa mundo ng musika mula n champion siya sa Million, siguradong ang kuwento ng kan Greatest Moments” MOA.

Labinglimang ang kanyang mak mga performers kuneksiyon sa kanya ngayon pa lang ay naming hilahin araw para Septemb

Nu’ng Huwe fashion sh

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.