POKWANG NAPAMURA, PINUTULAN NG KURYENTE KAHIT NAGBAYAD NA

Kris pwede nang pumasok sa politika kung...

Bandera - - FRONT PAGE -

MAY kumampi at meron ding bumatikos kay Pokwang sa ipinost niyang mensahe tungkol sa pagputol ng Meralco sa linya ng kanilang kuryente kamakailan.

Sa kanyang Twitter account, naglabas ng sama ng loob ang komedyana nang putulan sila ng kuryente sa bahay sa kabila ng pagbabayad niya sa kanilang electric bill.

Galit na galit na Tweet ni Pokwang, "Hellleeerrr @meralco ang lupit nyo naman na late lang ng ilang araw dahil sa sobrang busy sa work di agad naasikaso ang bill na kayang kaya ko naman bayaran hello??? putol agad kung kelan nabayaran na after 1 hour??? walang pinag kaiba sa buwitre mga letse kayo!"

May ilang netizens ang nagsabi na na-experience na rin nila ang reklamo ni Pokey at naiintindihan nila ang ipinaglalaban ng komedyana.

May ilan naman ang nagsabi na matagal nang ganu’n ang proseso sa Meralco at kaya nga raw may due date ang bill para ma-budget at maplano na ang pagbabayad dito at maiwasan ang maputulan ng kuryente. May nagkomento rin na dapat daw ay hindi mag-feeling entitled si Pokwang dahil lahat naman daw ng tao ay busy.

May isa pang netizen ang nag-comment ng negatibo na talagang ikinapikon ni Pokwang. Burado na ngayon ang nasabing tweet matapos siyang resbakan ng komedyana.

Banat ni Pokey, "Hoy nobody taga meralco kaba? at nanggagalaiti ka? Hindi ka nanay kaya wag kang epal! nag nenebulize ako sa anak ko na may sipon at kakabayad ko lang ng pinutol nila tanga ka? Sana nagbabasa ka muna shunga!!!"

Ang tinutukoy ni Pokwag ay ang eight-month-old na anak nila ni Lee O'Brian na si Baby Malia.

Narito ang ilang komento ng followers ni Pokey na karamihan ay kumampi sa kanya.

"Apir Ms pokwang hayaan niyo na mukhang may kuliling!" sabi ni @KandyFerolini.

Komento naman ni @VkiChua, "I feel you Madam! Salamat sa pag-called out Madam sa Meralco kasi napakabilis nilang pumutol na minsan walang abiso na puputulan ka tapos ang tagal mag-reconnect sa kuryente! Wag pansinin ang shunga diyan!"

"Hello po. enroll nyo na lang sa credit card nyo meralco bill and other utility bills para automatic ang payment. Credit card bill nyo na lang iintindihin nyo. Just a suggestion," suggestion ni @merkaDing.

Sinagot ni Kris Aquino ang tanong ng isa niyang Instagram follower kung nagbago na ang desisyon niya sa pagpasok sa politika.

Maingay pa rin kasi ang balita na tatakbo raw siya sa pagka-senador sa 2019 midterm elections. Pero ipinagdiinan muli ni Tetay na sa ngayon ay wala siyang interes na pumasok sa politika.

Sabi ng isang @gigiboosh5639, "I am proud of you Ms. Kris!! I will always follow your destiny and truly hope you enter politics!!!

"But can’t blame you if you don’t but I think you will give your parents the ultimately dream and fight they wished for for our Beloved Philippines!!!"

Na sinagot naman ng Social Media Queen ng, "@gigiboosh5639 this deserves an answer—politics, more importantly winning any election is really a part of God's plan for a person's best life and I strongly believe it is a matter of DESTINY...

"My mom was widowed when I was 12, and she has admitted that among all of us of her 5 kids, I had the most difficult childhood (dad was jailed when I was 19 months old) & my teenage years were all during her presidency (campaign when I was 14, people power less than 2 weeks after my 15th birthday), she peacefully stepped down when I was 21.

"Mom's reminder & strongly held principle—was that I could go into public service when I am ready to embrace a life of simplicity... for me to reach that—I have some more growing up to do. "I refuse to disappoint my mom, so if it is God's plan it will be part of His timing, not mine. Until then let me be the best mom possible to the most lovable sons God could have ever blessed me with."

Hinangaan at naging top trending topic sa social media ang pagganap ni Liza Soberano bilang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

Mas lalong umangat ang ganda at pagiging aktres ni Liza sa kanyang pagsasabuhay sa mga pinagdaanang hirap at kabiguan ni Pia bago nakamit ang tagumpay.

Ilan sa mga eksenang tumatak sa viewers ay ang pagpupursige ni Pia na magartista at ang pagpasok niya sa mundo ng beauty pageants.

Ngayong gabi, balikan ang madrama ngunit nakakainspire na kuwento ng buhay ni Pia Wurtzbach sa MMK hosted by Charo Santos sa ABS-CBN lang. WALANG pakialam si Jaclyn Jose sa mga desisyon sa buhay ng anak na si Andi Eigenmann lalo na sa pananatili ng young actress sa Baler, Aurora at Siargao ng ilang buwan.

Bumalik na sa sibilisasyon si Andi at sa isang interview kay Jaclyn na inilabas ng GMA Entertainment sinabi nitong sanay na siya sa "pagkawala" ng anak, “Pabalik-balik naman ‘yun. Hinihintay ko lang siyang magsawa.”

Saad pa ng award-winning actress, hindi niya pinagbabawalan ang anak sa desisyon niya, "Hindi namin pinag-uusapan ‘yung mga bagay na alam kong hindi namin mapagkakasunduan,” rason niya.

Pagdating naman sa apo niyang si Ellie, na kay Jake

Matapos umani ng batikos dahil sa hindi naman daw siya mukhang Pinoy, tagumpay ang pagrampa ng Filipino-America model na si Kelsey Merritt sa nakaraang Victoria Secret Fashion show.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.