DINGDONG, AGOT VS ROBIN SA ELEKSYON 2019

Ex-gay TV host target dyowain ang baguhang young celebrity

Bandera - - FRONT PAGE - BY RONNIE CARRASCO III

EARLY this week (on Facebook though) ay inilabas na ang mga posibleng pambato sa pagkaSenador mula sa hanay ng oposisyon (Dilawan as you please).

Tatlo roon ay mula sa showbiz, two of whom are open crtitics ni Pangulong Rodrigo Duterte: Leah Navarro at Agot Isidro. Napahiwalay lang, but having the same color, si Dingdong Dantes.

Sa mga interviews lately kay Dingdong, he has neither confirmed nor denied kung tatakbo nga ba siyang senador despite persistent talks.

Showbiz insiders say na mukhang isasantabi raw muna ng aktor ang planong pumalaot sa pulitika given a number of TV assignments na pagkakaabalahan niya.

Once he becomes visible kasi on TV na nataong panahon ng kampanya ay paglabag ‘yon sa ilang probisyon ng Fair Election Code.

Granting though na maganda ang kanyang tiyempo, tila nakaka-confuse ang bansag sa mga tagasuporta ni Dingdong. Hindi kasi ito puwedeng tawaging Dingdong Dantes Supporters o DDS for obvious reasons.

The type of Dingdong is one of silence. Kung very vocal o dauntless sina Leah at Agot in their verbal attacks against the President, it is quite unusual for an oppositionist like Dingdong na tahimik amidst a politically awakened society.

For sure, he’ll have a mouthful to say, hindi nga lang siya dumadakdak until he probably feels the urgency to do so.

Curious lang kami as to how Dingdong views the world around him para naman masabing he’s a man both of form and of substance. Meanwhile, on the other side of the fence ay may pambato rin silang aktor, si Robin Padilla ,na isang malaking good luck ang nais naming ipaabot in his lofty ambition.

Napakadaling hulaan. NagPM (private message) sa amin ang isang high school classmate whose bagets nephew happens to be one of the members of a popular all-male group.

Tsika niya: kursunada raw ng isang dating gay TV host ang kanyang pamangkin. Panay raw kasi ang text nito sa bagets.

Sinipat namin sa FB ang account ng bagets. May katwiran naman palang maghabol sa kanya ang former host na kaibigan din naman namin.

Nag-background check tuloy ang dati naming kamag-aral tungkol sa mga rumored affairs ng dating host.

Sa aming pagkakaalam, nalink siya noon sa isang basketbolista. Sinundan ‘yon ng isang mahusay na singer na balitang “endowed down there.”

“Eh, ‘yun namang pamangkin ko ang tinatarget niya,” saad ng PM niya sa akin, “kung bet niya, eh, mga basketball player, ‘yung tatay kasi ng (bale pinsan niya) pamangkin ko, varsity player ng ____ (name of a university).”

Kaibigan din namin ang tumatayong manager ng bagets.

Kapag ganu’ng may nagkakainteres na beki sa sinumang boylet, it’s the latter’s lookout. Nasa kanya na ‘yon kung papatol siya o hindi.

Not exactly a big deal. Pero literally big in built ang beking kumukursanada sa gwapong bagets. Hanggang dito na lang ang kuwento – “makaidlip” muna.

ROBIN PADILLA DINGDONG DANTES

AGOT ISIDRO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.