PROMISE NI ANGELICA KAY ZANJOE: KAPAG NI-LOVE MO PA ‘KO, NAKU PO! MAS MAAALAGAAN KA NANG HUSTO!

Bandera - - FRONT PAGE - BY REGGEE BONOAN

SANA nga’y ‘yung mga kiligkilig moments nina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban sa nakaraang PlayHouse media play day nitong Miyerkules ay mauwi na sa totohanan.

Para sa amin, bagay naman silang dalawa at masasabing kilalang-kilala na rin nila ang isa’t isa dahil halos 10 taon na rin silang magkaibigan.

Bago nagsimula ang Q and A ay kinanta muna ni Nyoy Volante ang theme song ng PlayHouse, ang "I Love You More Today Than Yesterday" kaya siyemrpre ang tanong sa dalawang bida ng bagong pang-umagang teleserye ng ABS-CBN ay kanino nila gustong i-dedicate ito.

Nakangiting nagkatinginan sina Zanjoe at Angelica sabay sabi ng aktor, “Sa ‘yo na lang, sayo ko na lang idi-dedicate, ha.”

Mabilis namang sumagot ang aktres ng, “Sige.”

Dagdag pa ni Zanjoe, “Tutal wala pa naman tayong special someone.” “Oh sige,” kaswal uling sabi ng dalaga.

“Totoo naman, every taping mas nila-love naman kita,” sabi pa ng aktor habang nakatingin sa bagong screen partner.

Halatang nagulat si Angelica sa sinabi ni Zanjoe kaya tanging reaksyon niya ay, “Ay, sh**t!” Oh, sige, e di yun na rin.”

At nagpahaging na ang aktres na kung sakaling love siya ng aktor, “Siyempre pag ni-love mo na ako naku po, Diyos ko! Mas maaalagaan ka nang husto. Sinasabi ko na sa ‘yo.

“You will love me more talaga. I will make sure you always feel the love more and more,” panunukso pa ni Angelica. Kaya tinanong si Zanjoe kung handa na siyang magmahal uli, inamin niyang ready na siya. Kung sakaling ligawan si Angelica ni Zanjoe ay ie-entertain ba niya?

“Kung sakali? Diyos ko naman grabe, parang ang choosy ko naman. Oo naman ie-entertain ko siya kung gugustuhin niya ako, kung na-pretty-han na siya sa akin,” natawang pa-cute na sagot ng dalaga.

Para kay Angelica ay boyfriend material si Zanjoe dahil naging kaibigan niya ang ex-girlfriends ng aktor.

“Ang awkward, eh. Kasi nakita ko siya sa lahat ng mga naging girlfriends niya, kaibigan ko ‘yung mga ex niya kaya alam ko siya bilang isang boyfriend.

“Siguro masasabi ko na malambing siya, maasikaso. Talagang hindi ko naman siya nakitaan na parang nag-cheat siya sa naging partner niya,” kuwento ng dalaga.

At dahil 10 taon nang magkakilala sina Zanjoe at Angel ay sobrang close na nila at talagang wala silang ginawa kundi magharutan, magbiruan sa set ng PlayHouse kaya naman panay ang paalala sa kanila ng buong staff ng programa na baka makalimot sila sa kanilang mga karakter.

Dapat daw masanay silang magdyowa at super in love talaga sila kaya talagang pini-feel na ni Angelica na in love siya kay Zanjoe. Tanong sa dalaga kung anong bago ang napansin niya sa aktor.

“Napansin ko na talagang ang amo pala ng mukha niya,” sabi ni Angel. “Kapag nauuna nga siyang umalis o na-pack up, talagang nalulungkot ako so feeling ko, happiness ko siya. ‘Yun ang na-discover ko lang kasi nagagalingan ako sa kanya.

“Ako kasi sa talent nahuhumaling, eh. Ang galing, kahit nagkamali siya, good take pa rin. Ang galing talaga. Marami akong natutunan at maia-apply ko ‘yun baka sakaling manominate rin ako sa I Emmys (2017 best actor nominee si Zanjoe para sa Maalaala Mo Kaya),” ang sabi ni Angelica.

Tanging nasabi na lang ni Zanjoe sa papuri sa kanya ng leading lady, "Tara, tayong dalawa na lang (sabay hawak sa kamay ni Angelica).”

Naghiyawan ang lahat ng nasa presscon kaya ang banat ni Angelica kay Z, “Pag ito sineryoso ko, ha!”

Ano naman ang na-discover ni Zanjoe sa leading lady niya? “Ang nadiscover ko sa kanya, malambing pala talaga siya at mabait sa mga bata. Dati kasi akala ko sa mga aso, pusa at halaman lang ang hilig niya. Kumbaga perfect wife siya.”

Nagkahagalpakan pa ang lahat ng aminin ni Zanjoe na kapag may bed scene sila ni Angelica ay naglalagay siya ng throw pillow sa gitna nilang dalawa para hindi ma-feel dalaga ang nararamdaman ng binata ng mga sandaling iyon.

Kaya natawa si Angelica dahil doon lang niya naisip na kaya pala may unan lagi sa pagitan nila.

At para mas kiligin pa kina Zanjoe at Angelica ay panoorin ang PlayHouse simula sa Lunes, Set. 17 kung saan kasama rin sina Smokey Manaloto, Justin James Quilantang, Kisses Delavin, Donny Pangilinan, Kean Cipriano, AC Bonifacio, Ariella Arida, Dexter Doria, Nadia Montenegro, Ingrid dela Paz, Jomari Angeles, Malou de Guzman at Maxene Magalona mula sa GMO unit.

ANGELICA PANGANIBAN AT ZANJOE MARUDO

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.