Mega kay KC: ‘Kapag di ka pa ikinasal at nagkaroon ng anak, magpapabuntis ako’

Jo Berry, Kate Valdez may aaminin kay Regine

Bandera - - FRONT PAGE -

SIGURADONG good vibes na naman ang hatid sa lahat ng mga Kapuso viewers ng isa na namang espesyal na episode ng Sarap Diva ngayong Saturday morning.

They say, wherever you go, you must bring your own sunshine. At para patunayan ang kasabihang ito, bibisita ang Kapuso break-out star na si Jo Berry sa bahay ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ngayong umaga.

Makakasama pa niya ang kanyang anak sa Kapuso primetime series na Onanay na si Kate Valdes sa pagdalaw sa Sarap Diva.

It’s a morning of fun and laughter plus lots of heartwarming stories about life, love and family.

Ise-share rin ni Jo Berry ang kanyang personal playlist na kakantahin para sa kanta ng Songbird kasama ang singer-comedian na si Echo.

Primetime leading man Juancho Trivino from top-rating Kapuso series Inday Will Always Love You also joins the fun in a spontaneous acting challenge with Jo, Kate,

Terry Gian and Echo. Alamin kung sino ang papasang best actor at best actress sa kanila.

Kaya kung gusto n’yong tumawa, sumaya at ma-inspire, watch na ng Sarap Diva ngayong Saturday, 10:30 a.m. bago mag-Eat Bulaga. Sarap Diva also airs on GMA Pinoy TV and GMA Life.

Speaking of Onanay, mas inaabangan ngayon ang kuwento ng serye sa Primetime block ng GMA dahil sa parami nang paraming mga sikretong nalalapit nang mabunyag.

Isa na rito ay ang kahilinpara gan ni Natalie (Kate Valdez) na malaman kung sino ang sumaksak kay Helena ( Cherie Gil). Marami ang humihiling na sana raw ay matuklasan na rin ng dalaga ang totoo nitong pagkatao para naman maging masaya na ito sa piling ng tunay na ina.

Isa pa sa inaabangan nila ay ang sumisibol na pag-asa Ramos).

Ito na nga kaya ang simula ng pagbabago sa kanilang makulay at masalimuot na buhay? Abangan ang Onanay gabi-gabi sa GMA Telebabad, sa direksyon ni Gina Alajar.

Kung si Sharon Cuneta ang tatanungin, sana nga’y si Pierre Emmanuel Plassart na ang makatuluyan ng anak na si KC Concepcion.

“Dinadasal ko! Marami ring pain na dinaanan yung anak ko on her own. I hope it lasts forever na wala na siyang hahanapin pa,” sey ni Mega sa isang panayam.

Biro pa ni Mega, “Tsaka gusto ko na rin magkaapo. Sabi ko kay Kace (KC), ‘Anak pag di ka pa ikinasal at di ka pa nagkaanak, magpapabuntis ako, nakakahiya na. Alam mo naman, si Gong Yoo, we’ll never know. Ha-hahaha!”

Dugtong pa ni Sharon, “Nu’ng nagkahiwalay sila the first time, umiyak talaga ako, kasi such a gentleman, such a gentle soul, at mahal na mahal at respetong-respeto niya ang anak ko.”

PIERRE PLASSART AT KC CONCEPCION

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.