Alien In Love

Bandera - - HEART 2 HEART -

MAYA-MAYA ay naging parang fluid na ang image na nakikita ni Marianne.

“Ano ito? Mag-explain ka naman sa akin kasi nininerbiyos ako. I’m not perfect.”

“Marianne, nakuha ko na ang tamang configuration para mawala sa paningin ng mga tao dito ang image ng sasakyan ko. Nagtagumpay ako.”

“T-talaga? So kahit sino, hindi na makikita ang space ship mo?”

“Yes. Nababawasan na ang panganib ko dito.”

Napabuntonghininga naman si Marianne habang nakatitig kay Brummo. “Iba ka talaga. Hindi ka taga-rito. Sana nga maaayos na rin ang pag-a-adjust mo sa atmosphere namin. Para ... para matanggal na ‘yang mga bulaklak mo sa ulo.”

Nalungkot si Brummo. “Sana ... matanggap mo akong kaibigan kahit may mga bulaklak ako sa ulo.”

“Don’t worry. Masasanay din ako. Meanwhile, maghahanap na ako ng hat na babagay sa ulo mo. Dito ka lang muna, ha?” Nagmamadali nang aalis si Marianne.

“Teka lang!”

“Yes?”

“Babalik ka naman, ‘di ba? Hindi ka na takot sa akin. Alam mo nang hindi ako masama.”

Napangiti si Marianne, naawa sa alien. “Oo, babalik ako. Hindi kita maaring pabayaan dahil walang basta tutulong lang sa iyo. Ang pupuntiryahin nila kaagad ay ang napakarami mong pera.”

“Then, salamat. I trust you.”

“Oy, kumain ka na.”

“Oo nga pala! Pero teka, di ba sabi ko, ipagluluto kita ng lunch from our ingredients from home? Masarap ‘yon pag nakasanayan mo. At alam ko, mabilis kang makakasabay sa culture namin kasi parang may inherent talent and skill ka roon.”

“Hindi ako mapili, kahit ano puwede sa akin. Pero sa susunod na ‘yan, ha? Unahin natin na puwede ka nang makalabas dito sa lungga mo.

I’ll go buy a hat. At hindi madaling hanapin ang hat na ‘yon kasi may specific measurement.”

“Hey, bigyan muna kita ng pera? Ano’ng pambibili mo?”

“Pinapamukha mo talaga sa akin na bigyan dahil wala akong pera, ano?” Natatawa si Marianne.

“Okay lang naman kahit walang pera. Hindi problema ‘yon. O, heto na ang pera o.”

“Ay, engot! Ang dami niyan! Pati yung buong tindahan, mabibili na niyan! Kontian mo lang, ‘yan, ‘yang ganyan lang kakonti.”

“De sa iyo na, itago mo ... aanhin ko ba ang pera eh, marami pa akong ginto!”

“Huwag mong ipagyabang ‘yang ginto mo ha? Huwag mong sasabihin kung kanikanino. Dito, sa konting pera lang nahoholdap na, ikaw pa kaya na ewan kung gaano ka kayaman?”

ITUTULOY

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.