Duguan na, stranded pa ang Team Pilipinas

Bandera - - HEART 2 HEART -

TRIPLE whammy ang inabot ng Team Pilipinas sa pagdayo nito sa Iran para sa ikaapat na window ng 2018 Fiba World Cup Asian Qualifiers.

Natalo na nga ang Pilipinas, 81-73, at duguan pa ang ilang manalalaro nito ay nastranded pa ito ng kalahating araw sa Dubai airport dahil sa pag-delay ng kanilang flight pabalik ng Pilipinas.

Sa laro Huwebes ng gabi ay dumugo ang ilong ni Beau Belga habang pumutok naman ang kilay ni Marcio Lassiter.

Nakatakda sanang dumating ang koponan alas8:30 ng gabi Biernes pero baka sa Sabado na ng umaga sila makararating.

Sa Lunes ay kakalabanin nila ang Qatar sa isang close-door game sa Smart Araneta Coliseum.

—Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.