7 patay sa bagsik ni ’Ompong’

Bandera - - FRONT PAGE - Ni John Roson Ni John Roson

PITO katao ang naiulat na nasawi at halos 180,000 ang nagsilikas dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong sa iba-ibang bahagi ng Luzon, ayon sa mga otoridad.

Dalawang responder ang nasawi habang nagsasagawa ng rescue PITONG miyembro ng Abu Sayyaf ang napatay habang 23 pa katao, kabilang ang isang sub-commander ng bandidong grupo at 17 sundalo, ang nasugatan sa sagupaan sa Patikul, Sulu, ayon sa militar Sabado.

Narekober ang bangkay ng mga napatay na bandido, pati ang isang M16 rifle, iba pang gamit pandigma, at personal na kagamitan, sabi ni Lt. Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.

Kabilang sa mga napaulat na sugatang bandido si Abu Sayyaf sub-commander Hatib Hajan Sawadjaan.

Nagtamo naman ng shrapnel wound ang mga sugatang kawal, na dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo para malunasan.

Naganapangengkuwentro ala-1:30 ng hapon Biyernes, sa Brgy. Bakong.

Nakasagupa ng mga miyembro ng Task Group Panther at Scout Rangers operation, ani Ricardo Jalad, executive ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Uniulat ng National Police na nasawi sina Shaina Mae Pascua, 19, at Grace Ganabe, 45, sa landslide sa Baguio City, habang isang 9 hanggang 12-anyos na dalagita ang natagpuang patay sa ilog sa Pasig City.

Una rito, nasawi ang security guard na si Domingo Penaflor nang mabagsakan ng pader sa Caloocan City, kahapon ng umaga, at isang 8-buwang sanggol ang nalunod sa baha sa Pio Duran, Albay, noong Biyernes.

Di bababa sa dalawa ang naiulat na nasugatan sa Baguio at Itogon, Benguet; dalawa ang nasugatan sa ipo-ipo sa Marikina City; at may dalawa pang nawawala sa Itogon, ayon sa pulisya. Bakwit

Umabot sa 179,730 katao ang naitalang nagsilikas sa Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, at Bicol, batay sa pinagtagni-tagning datos mula sa NDRRMC, tanggapan ng Office of Civil Defense sa mga rehiyon, provincial governments, at pulisya.

Sa Cagayan lamang ay 10,626 pamilya o 42,199 katao ang nagsilikas, ayon sa talang nilabas ng pamahalaang panlalawigan.

Nang sumalpok si “Ompong” sa Cagayan

ang aabot sa 100 kasapi ng Abu Sayyaf na mga tagasunod nina top commander Radullan Sahiron at subcommanders Sawadjaan at Idang Susukan, ani Besana. Sabado ng madaling-araw, nawalan ng kuryente at cellphone signal ang malaking bahagi ng probinsya, ani Rogie Sending, tagapagsalita ng pamahalaang panlalawigan.

Dahil dito, hirap pa ang mga otoridad na kumalap ng impormasyon ukol sa sinapit ng mga residente noong kasagsagan ng bagyo, aniya.

Pero, ayon kay Sending, bago mawalan ng kuryente at cellphone signal ay nakatanggap pa sila ng ulat na natuklap ang bubong ng isang evacuation center sa Brgy. Minanga, Aparri, kaya nagsiksikan ang mga tao sa barangay hall.

Lumaki pa ang tubig sa Pinacanawan River at Cagayan River, kaya muling inalerto ang mga residente sa pagbaha, aniya.

“Maraming evacuees kasi buong province ang lapad ng bagyo. Malakas ’yung bagyong ’Lawin’ dati pero itong si ’Ompong,’ napakalapad, eto 12 oras na humahangin pa, eh ’yung eye of the storm paLaoag na,” sabi ni Sending sa BANDERA nang makapanayam Sabado ng tanghali. KINASUHAN ng sedition at inciting to coup d’ etat si Sen. Antonio Trillanes IV ni Labor Undersecretary Jacinto “Jing” Paras sa Pasay City Prosecutor’s Office noong Biyernes.

Ani Paras, ibinase niya ang reklamo sa pahayag ni Trillanes kontra kay Pangulong Duterte sa mga reporter noong Setyembre 4.

Giit ng opisyal, malinaw na nagkaroon ng paglabag sa Revised Penal Code Article 142 o inciting to sedition at Article 136 o proposal to commit coup d Etat ang senador.

Ang mga sinabi ni Trillanes laban sa Pangulo ay hindi na umano sakop ng freedom of expression.

Tinukoy ni Pares ang ipinahayag ni Trillanes na isang diktador si Duterte.

“Hindi siya (Duterte) rumerespeto sa institusyon kaya ganito tayo. Kung ‘yung mga ordinaryong tao pinapatay, ‘yung mga kritiko ikukulong, so ganyan ang kalakaran sa Pilipinas ngayon. Di ko maisip na they would go to great lengths, even make themselves look stupid para lang to get rid of me,” sabi pa umano ni Trillanes ani Paras.

Idinagdag ni Paras ang panawagan ng senador sa militar at pulisya na huwag sundin ang utos ng Pangulo dahil hindi na ito magtatagal sa puwesto.

“Trillanes intemperate use of profane, foul, vile, seditious words or language, and resort to scurrilous libels against the President or the government, his ardent call on the military and the police to disobey the order of the latter, as well as his stealthy proposal to he armed forces to launch a coup… constitute the crimes of inciding to sedition and proposal to commit coup d’etat.”, paliwanag ni Paras. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.