Bagyo palabas na, humina

Bandera - - FRONT PAGE -

HUMINA na ang bagyong Ompong habang papalabas ito ng Northern Luzon.

Sa weather bulletin ng Pagasa, huling namataan ang bagyo 30 kilometro sa karagatan ng Laoag, Ilocos Norte.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 170kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 260 kilometro kada oras.

Kumikilos ito ng pakanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Inalis na rin ng Pagasa ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 4 sa ilang lugar.

Gayunman, nasa ilalim pa rin ng Signal Number 3 ang mga sumusunod na lugar; Cagayan, Babuyan Group Of Islands, Batanes, Ilocos Sur, Ilocos Norte, La Union, Mountain Province, Benguet, Ifugao, Kalinga, Apayao at Abra.

Samantala, Signal Number 2 naman ang mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Quirino, Pampanga at Bulacan

Nakataas pa rin ang Signal Number 1 sa Bataan, Rizal, Metro Manila, Cavite, Batangas, Laguna, Lubang Island, Northern Quezon kasama ang Polillo Island.

Inaasahan na kagabi o ngayong umaga ay tuluyan nang makalalabas sa Philippine Area Of Responsibility ang bagyo. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.