6 miyembro ng pamilya patay sa sunog sa Nova

Bandera - - FRONT PAGE -

NASAWI ang limang miyembro ng pamilya at kanilang kaanak nang masunog ang tinutuluyan nilang tindahan sa Novaliches, Quezon City, sa kasagsagan ng bagyong Ompong kahapon ng umaga.

Wala ng buhay nang matagpuan ng mga otoridad ang mag-asawang Kamal at Norjannah Japar, at kanilang mga anak na sina Abdul Raman, 5 buwan; Salma, 7, at Abdulrahem, 9. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.

Ayon sa hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4 na si Supt. Rossel Cejas, hindi umano maiwanan ng pamilya ang kanilang puwesto kaya doon sila natutulog.

Sinabi ni Bureau of Fire Protection chief Arson Investigtor Rosendo Cabillan, sumiklab ang sunog sa harapang bahagi ng Ride ‘N Shop alas12:24 ng madaling araw at dahil sa lakas ng hangin ay mabilis na kumalat ang apoy.

Itinaas agad ito sa ikatlong alarma dahil sa laki ng apoy at alas-2:35 ng madaling araw nang ideklara itong fire out.

Ayon pa Cabillan, bagaman hindi pa batid ang sanhi ng sunog, isa sa kanilang titingnan ang posibilidad na palyadong linya ng kuryente ang dahilan nito. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.