2 sugatan sa ipo-ipo

Bandera - - FRONT PAGE -

DALAWA ang nasugatan at ilang gusali ang napinsala nang manalasa ang ipo-ipo sa Brgy. Sta. Elena, Marikina City, Biyernes ng hapon.

Sa ulat, sinabi ng Marikina City Police na rumesponde ang mga lokal na opisyal, kasama si Mayor Marcelino Teodoro, at mga pulis sa lugar upang bigyang ayuda ang mga biktimang sina Paul John Campos at Janet Juanzo.

Dinala sina Campos at Juanzo sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center.

Dumating ang ipo-ipo habang abala sa paghahanda sa bagyong Ompong.

Kabilang sa mga napinsala ang Our Lady of Abandoned Church, Kapitan Moy convention center, isang office building at mga linya ng kuryente sa kalapit na Marikina Shoe Museum.

Nagdulot din ito ng power interruption sa J.P. Rizal st., Sta. Elena, at iba pang bahagi ng Brgy. San Roque. — Inquirer.net

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.