2 nasawi sa aksidente

Bandera - - FRONT PAGE -

PATAY ang dalawa katao, kabilang ang binatilyo, at isa pa ang malubhang nasugatan sa magkasunod na aksidente sa Muntinlupa at Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Muntinlupa si Roger Callo, 32, sanhi ng matinding pinsalang sa ulo at katawan nito nang mabundol ng Hino truck (CAN-5861) na minamaneho ni Robert Palaypayon, 42. Binabagtas ng rider ang East Service Road alas-10:45 ng gabi nang tumbukin ni Palaypayon. Dahil sa lakas ng bangga ay tumilapon ang biktima ng ilang metro. Dead on the spot ang biktima. Sumuko si Callo sa otoridad. Nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. Ala-1 ng hapon ay sakay naman ng bisikleta sina Jessie de Castro, 14 at Jerald Feliciano, 13, nang masagi ng truck (UWC-677) ni Florentino Cabalida Jr. sa Ninoy Aquino Ave., Brgy. San Dionisio, Parañaque. Namatay noon din si de Castro makaraang magtamo ng pinsala sa ulo at katawan habang agad namang naisugod sa Ospital ng Parañaque City ang angkas nito. Naaresto ng pulisya si Cabalida. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.