EB Dabarkads hindi nagpasindak kay Ompong; AlDub fans nag-alala kay Maine

Bandera - - FRONT PAGE -

PATULOY na naghahasik ng kanyang bagsik ang bagyong Ompong sa Kamaynilaan as of this writing.

Nagsara ng kanyang resto sa QC kahapon si Ai Ai delas Alas habang sa kanyang Instagram post may paalala naman si Marian Rivera, “Stay safe everyone.”

Sa Instagram story naman ni Gladys Reyes, “sinalubong” nila ang bagyo sa taping ng Inday Will Always Love ou at panay ang tili ng, “Heto na ang advance party!” habang isinasara ang pintuan ng bahay na gamit sa taping.

Pero ang Eat Bulaga kahapon, hindi nagpatinag sa malakas na hangin at ulan na dala ni Ompong, huh! Yes, live ang episode kahapon ng noontime show dahil grand finals ng contest nitong “Hype Kang Bata Ka!”

Present sa EB Dabarkads sina Pia Guanio na nag-rap sa opening number, Luane Dy, Baeby Baste, Pauleen Luna-Sotto at Allan K.

Dahil sa bagyo, nag-alala naman ang AlDub Nation kay Maine Mendoza. Maaga pa lang ay pinag-iingat na nila sa biyahe ang dalaga dahil sa Bulacan pa siya manggagaling. Baka raw abutan ng matinding ulan at baha ang Dubsmash Queen.

Handang-handa na si Alden Richards sa upcoming concert niyang “AR Adrenalin Rush” sa Sept. 21 sa Kia Theater.

May inilabas siyang bagong VTR para sa teaser ng concert niya. Wala pang ibang detalye tungkol sa mga magaganap sa concert ng

GLAIZA DE CASTRO, GABBI GARCIA, KYLIE PADILLA AT SANYA LOPEZ

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICH

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.