Kasal ni Christian Bautista apektado ng inflation

Bandera - - FRONT PAGE - BY AMBET NABUS

DADAYO at dadalhin ng GMA Pinoy TV ang maagang Pasko sa Amerika ngayong October.

Excited itong ibinalita ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa isang media conference kasama sina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Donita Nose at Super Tekla plus Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas.

“Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim” ang title ng show na magaganap sa Los Angeles, California sa Oct. 7.

“Excited na kaming lahat kasi totoo namang tayong mga Pinoy na yata sa buong mundo ang mga tao na kung magcelebrate ng Pasko ay sobrang haba.

“At dahil this October na iyan, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na namin ang mga bitbit naming sorpresa para pasayahin ang mga Kapuso at kababayan natin sa US, at maibahagi sa kanila ang tunay na meaning ng Pasko,” pagbabahagi ni Marian.

Speaking of Marian, malaman ang naging tugon nito hinggil nga sa napabalitang totoong papasukin na ng asawa niyang si Dingdong Dantes ang pulitika.

Nasa senatorial line-up na ng Liberal Party si Dingdong para sa 2019 elections pero may chika rin na baka raw via a partylist ito sasali bilang representative. Kaya natanong si Marian kung ano talaga ang gustong posisyon ng asawa.

Tugon ni Marian, “Siguro po mas mabuting ang aking asawa ang tanungin ninyo tungkol diyan. Basta ako, personally ay naniniwala akong wala namang masama para sa isang tao na mangarap na maging lider o lingkod bayan lalo pa’t meron kang puso para dito o gusto mo talaga itong gawin dahil mas marami kang matutulungan.”

Hmmmm, reading between the lines, mukhang handa na nga ang mag-asawa sa hamon ng magulong mundo ng pokitika.

Noong maging roommate namin si Christian Bautista during the Gabay Guro event sa Bataan last weekend, masaya nitong itsinika sa amin ang nalalapit niyang pagpapakasal.

At dahil kilala rin namin itong matalino at observant sa paligid, nagwo-worry din siya sa kalagayan ng mga bagay-bagay sa lipunan, lalo na ang tungkol sa mahal na bigas at gasolina at iba pang apektado ng inflation.

“But that is life. We need to move on and do our share kaya naman thankful ako na nakapag-ipon ako ng sapat para sa mga panahong gaya ng plano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.