ZANJOE IBINANDERA ANG SARILING LISTAHAN NG ‘5 SEXIEST’ SA SHOWBIZ

‘Sayang, na-evict kami agad sa PBB house!’

Bandera - - FRONT PAGE - BY REGGEE BONOAN

NAKAPANGHIHINAYANG dahil na-late kami ng ilang oras sa media launch ng ABS-CBN Studio Experience sa 4th level ng Trinoma Mall nitong Huwebes.

Hindi tuloy namin naexperience kung paano maging contestant sa The Voice, ang maging staff sa directors’ booth ng It’s Showtime, matry ang Fast Talk sa

Tonight With Boy Abunda, maging manlalaro sa Minute To Win It ,at ang maging bahagi ng “Bagani,” “Misyon: Ang Probinsyano” (isang patintero-based game) o ng “Ang Propesiya: La Luna Sangre” (isang agawan base game).

Ang inabot na lang namin ay maging PBB Breakout housemate pero naevict kami agad sa Bahay ni Kuya dahil hindi namin natapos ang task na ipinagawa ni Big Brother. Na-experience din namin ang manood sa ASAP 4-D live show.

Makikita sa 1,400 square meters-studio city ang Walk of Fame patungo sa Heritage Hall kung saan makikita ng mga bisita ang ilan sa vintage memorabilia at broadcasting equipment tulad ng ABSCBN Millennium Transmitter na nakikita sa old bldg. (kanto ng Mother Ignacia cor Sgt. Esguerra Avenue) ng nasabing network.

Sabi namin sa mga katoto, para itong mini-theme park na ginaya sa ibang bansa.

Sumakto naman dahil ayon mismo sa nakaisip ng concept na ito na si ABSCBN Themed Experiences Inc. head Cookie Bartolome ay nahahati ang bagong Studio XP sa tatlong bahagi—ang Retail, Fantasy, at Retail Studios—na mayroong 15 attractions at full scale set reconstructions na binuo para i-level-up ang ibibigay na Kapamilya experience ng ABS-CBN sa iisang lugar lamang.

“Naging inspirasyon namin ang mga Kapamilya na nagnanais na maranasan at nananabik masilip ang studios sa loob ng network. Sa pamamagitan ng Studio XP, nais naming ilapit pa ang ABS-CBN sa mga Pilipino,” pahayag nito.

Nabanggit namin na mabenta ito sa mga Baliklang bayan at umoo naman sila pero mas target daw nila ang masang Pilipino at mga eskuwelahan na gustong makaexperience ang mga studio ng ABS-CBN.

Hirit namin baka hindi kayanin ng masa lalo na ang minimum wage earner ang entrance fee na P375 para libutin ang kabuuan, pero ang sabi sa amin ay may mga presyon namang pagpipilian. At kapag school field trips ay may special prices naman depende sa eskuwelahan.

Anyway, puwede itong pag-ipunan ng magulang para ma-experience ng kanilang mga anak ang loob ng ABS-CBN Studio sa Trinoma na halos nandoon na lahat. Tiyak na mag-e-enjoy ang mga bata sa nakakaaliw na laro ang ARX o augmented reality game kung saan haharap ang isang grupo sa virtual monsters na dapat ni- talunin.

Ang mga batang may edad 12 years old pababa naman ay siguradong magsasaya sa Superheroes Playground habang pwede rin nilang subukan ang iba pang Studio XP attractions.

Puwede ring mag-uwi ng souvenirs mula sa #Starsnaps photo booth kung saan puwedeng makakuha ng litrato kasama ang paboritong artista, at sa Star Catcher, isang claw machine tampok ang autographed items ng Kapamilya stars.

Marami pang mabibiling ABS-CBN Store merchandise, pati na rin ang mga limited edition products nito, sa bagong Retail Studio.

Upang mabuo ang natatanging Kapamilya experience, dapat subukan ang Heroes Burger. Tampok ang mga karakter nina Darna, Captain Barbell at Lastikman sa Pinoy Komiksthemed na organic burger joint.

Kaya sa mga interesado, pumunta na sa ABS-CBN Studio Experience sa 4F ng Ayala Malls TriNoma dahil ngayong araw na ang grand launching nito sa publiko.

Inisa-isa ni Zanjoe Marudo sa Tonight With Boy Abunda ang five sexiest women in showbiz para sa kanya.

“First is Cristine Reyes hanggang ngayon tingin ko sa kanya ganu’n pa rin hindi pa rin nagbabago. Tapos si Jodi Sta. Maria, crush ko siya matagal na,” unang sagot ni Zanjoe.

Binanggit din niya si “Maja Salvador, lalo na pag nagsasayaw. Siyempre si Angelica (Panganiban, leading lady niya sa seryeng PlayHouse), sobrang sexy ni Angelica ngayon grabe.”

At ang pinakahuli sa kanyang listahan ay si, “Nadia Montenegro, grabe isa sa pinakamagandang mukha na nakita ko.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.