Pak na pak na gamit ng harina

Bandera - - HEART 2 HEART -

BAGAMAT ang harina ay nakilala at nakasanayang gamitin sa pagbe-bake at pagluluto, maraming alternatibong bagay ang maaaring paggamitan nito mula sa pampaganda, paggawa ng simpleng laruan, atbp. Ito ang ilan sa kanila: Pandikit

Hindi man kasing tibay ng mga pandikit na nabibili sa mga tindahan, maaaring gamitin ang harina kung simpleng bagay lang naman ang paggagamitan nito. Haluan lamang ang harina ng kasing daming tubig at haluin hanggang sa lumapot. Wisikanng kaunting asin para maiwasan ang pagtigas nito. Shampoo

Gamit a n g pansala, ibuhos dito ang dry organic eye flour hanggang sa matanggal ang mga buo-buo. Pagkatapos ay haluan ang harina ng sapat na tubig at haluin hanggang sa lumapot.

Pampakintab

Pagtapos linisan ang stainless steel, gaya ng lababo halimbawa, budburan ng harina ang bawat espasyo saka punasan ng malinis na tuyong basahan nang sa gayon ay magmukhang bago ito.

Pantaboy ng Insekto

Kung may alagang halaman at pinipeste ng mga langgam, alugin ng malumanay ang tangkay saka ito wisikan ng harina. Diligan ang halaman makalipas ang isang oras o dalawa upang hindi ito mamatay.

Flour Mask

Maglagay ng dalawang kutsaritang gram flour sa isang mangkok, lagyan ng sapat na dami ng tubig, saka haluin. Pagkatapos maging smooth ang texture, ready na ito i-apply sa mukha. Palipasin ito ng limang minuto at hilamusin gamit ang maligamgam na tubig. Para magkaroon ng soft at radiant-looking skin ang mukha, mag-apply ng flour mask ng isa o dalawang beses kada linggo. – Jefferson Betaizar, trainee

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.