Aksyon sa Batang Pinoy Finals hahataw agad

Bandera - - HEART 2 HEART -

BAGUIO City — Diretso na agad sa matinding kompetisyon ang mga kabataang out-of-school youth pati na in-school student athletes sa pagsisimula bukas ng inoorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC) na 2018 Batang Pinoy National Championships sa mga lugar ng Benguet Province at lungsod ng Baguio.

Inaasahang aakyat ngayon patungo sa tinaguriang City of Pines ang lahat halos na mga kalahok mula sa mahigit 90 local government units (LGU) na ilang araw napigilang magbiyahe at na-stranded sa iba’t-ibang lugar sa Maynila dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Ompong.

Habang isinusulat ito base sa nakuhang datos sa Batang Pinoy Secretariat nito lamang Setyembre 14 ay umabot ang nagpatala sa Luzon sa 36 LGU para sa kabuuang 1,127 atleta habang sa Mindanao ay 26 LGU na may bilang na 572 kalahok. Ang Visayas ay may 26 LGU para sa kabuuang 516 kasali.

Umaabot na sa kabuuang 88 LGU ang nakapagpatala na may kumpirmadong 2,715 partisipante na kasalukuyan na ngayon na sa Baguio City.

Dahil sa panganib na bitbit ng Bagyong Ompong ay hindi na isasagawa ang dapat na opening ceremony Sabado ng gabi habang iniusog din ang pagsasagawa ng mga kompetisyon bukas. Bago ito ay mag-aalay muna ng isang panalangin sa pagsasagawa ng misa ngayong umaga para sa kompetisyon.

Naiwan pa rin sa Rizal Memorial Sports Complex at PhilSports Arena ang mahigit 500 kalahok na pansamantalang pinatuloy sa dalawang pasilidad dahil sa panganib na sumuong sa pagbiyahe paakyat ng Baguio sa kasagsagan ng pag-ulan at pag-ihip ng malakas na hangin.

Itinala sa Baguio City High School ang mga delegasyon sa Luzon na binubuo ng Baguio City – (29), Tarlac Province (33), Tabaco City (49), Marikina (40) Dasmariñas (40), Ilocos Norte (16), Nueva Viscaya (2), Camarines Sur (16), Pangasinan (252), Tayabas (47), San Jose D.B (12), Laguna Province (120), Cabuyao Laguna (68), Quezon City (21), Mandaluyong (75), Labrador Pangasinan (9) at mga turn-over mula sa Bacolod City (2), Abra (1) at Baguio (9).

Magkakasama sa Baguio Central School ang Antique (42), Batad Iloilo (7), Negros Occidental (8), Bogo City (8), Leyte (28), Sagay City (7), Tacloban City (19), Aklan (25), Mandaue City (70), Northern Samar (19), Bacolod City (76), Danao City (35) Bukidnon (11), Lapu-lapu City (67), Bago City (13), Iloilo City (1), Consolacion Cebu (8), at Tagbilaran (42). — Angelito Oredo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.