UAAP games kinansela dahil kay ‘Ompong’

Bandera - - HEART 2 HEART -

KINANSELA ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang mga men’s basketball games ngayon dahil na rin sa epekto ng bagyong Ompong.

Sinabi ni UAAP Season 81 president Nilo Ocampo sa inilabas nitong pahayag kahapon na nagdesisyon ang liga na suspendihin ang mga weekend games nito dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Metro Manila at Hilagang Luzon.

Kabilang sa mga laro na nakansela ngayon ay ang laban ng University of the East kontra National University at ang laban ng University of Santo Tomas kontra University of the Philippines na nakatakda sanang ganapin sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Ang mga laro nitong Sabado sa pagitan ng Ateneo de Manila University at Far Eastern University pati ang laban sa pagitan ng Adamson University at De La Salle University na gaganapin sana sa Smart Araneta Coliseum ay nauna nang kinansela ng liga noong Biyernes.

Nasa public storm signal no. 1 pa rin ang Metro Manila kahapon bagamat ibinaba ng Pagasa ang kategorya ng bagyong Ompong sa typhoon mula sa super typhoon. MULING ipinakita nina national lawn bowlers Ronalyn Greenlees at Homer Mercardo ang kanilang husay sa pagsungkit ng pilak na medalya sa mixed pair event ng ginanap na 2018 Asian Lawn Bowls Championships nitong nakaraang linggo sa Terengganu, Malaysia.

Nakatuntong ang Southeast Asian Games medalist na si Greenlees at kakampi na si Mercado sa kampeonato subalit nabigo sa pares nina Songsin Tsao at Chaitai Kanchanakaphan ng Thailand sa iskor na 14-16.

“We are happy to win the silver medal for our country,” sabi ni Greenlees, na quarterfinalist sa 2008 World Outdoor Bowls Championship.

“With or without the help of the government, we will continue to join tournaments and bring honor to the country because we love our sport,” sabi ni Greenlees, na sinabing sariling gastos ng manlalaro ang pagsali sa Malaysia.

Ipinaliwanag pa ni Greenlees na ang lawn bowls team ay nakatakdang magpartisipa matapos na makakuwalipika sa 13th Asian Championships na nakatakdang ganapin sa Oktubre 10 hanggang 17 sa China.

Matatandaan na nakapag-ambag ang Lawn Bowls ng isang ginto, tatlong pilak at dalawang tanso sa paglahok nito sa 29th SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

A n g m g a n a k amedalya ay sina Robert Guarin, Emmanuel Portacio at Leoncio Carreon, Jr. na ginto sa men’s fours; sina Baronda, Nancy Toyco at Nenita Tabiano na pilak sa women’s fours at sina Greenlees, Jagonoy at Bradborn na pilak din sa women’s triples.

Wagi rin sina Marcelito Pancho at Angelo Morales ng pilak sa men’s pairs at sina Asuncion Bruce at Ainie Knigth sa women’s pairs ng tanso pati na si Elmer Abatayo sa men’s singles. — Angelito Oredo PATOK - (9) Mr. Fantastic; TUMBOK - (1) Strong Leader; LONGSHOT - (10) Above The Knee PATOK - (1) Metamorphosis; TUMBOK - (2) Heiress Of Hope; LONGSHOT - (5) Anino

PATOK - (4) Beyond D’ Sea; TUMBOK - (7) Humble Submission; LONGSHOT - (10) Hallelujah PATOK - (4) Talitha Koum; TUMBOK - (5) Ava’s Dream; LONGSHOT - (2) Disyembreasais

PATOK - (9) Watermania; TUMBOK - (3) Reconstruction; LONGSHOT - (1) Ten Ten Forty

PATOK - (1) Yosemite; TUMBOK - (5) Go On Eugene; LONGSHOT - (10) Ilove Jane

PATOK - (5) Jawo; TUMBOK - (12) Mighty Pride; LONGSHOT - (11) Sunny Side

PATOK - (5) Wonderland; TUMBOK - (2) Shoo In; LONGSHOT - (4) Wo Wo Duck

PATOK - (8) Mitchell Park; TUMBOK - (9) Royal Jewels; LONGSHOT - (1) Victory Choice

PATOK - (3) Pride Of Laguna; TUMBOK (7) Mandatum; LONGSHOT - (2) Lucky Toni

PATOK - (9) Overjoyed; TUMBOK - (1) Ever Seen The Rain; LONGSHOT - (5) Hayaku Jabez PATOK - (9) Nash And Ryan; TUMBOK (6) Bebang; LONGSHOT - (12) Tip Toes

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.