2 tulak nanlaban, dedbol sa parak

Bandera - - FRONT PAGE -

NASAWI ang dalawang umano’y tulak ng ipinagbabawal na gamot sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Payat at Barok, kapwa residente ng Brgy. Payatas.

Nagsagawa ng buy bust operation ang pulisya nang makatunog umano ang mga suspek kaya nagpaputok ng baril. Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa. Ang dalawa ay mga tauhan ng umano'y drug lord na si Noe Dorminatorio na nahuli dalawang linggo na ang nakakaraan. —Leifbilly Begas ang limang menor de edad, na ibinubugaw umano sa isang resort sa Caloocan City.

Nadakip sa entrapment operation ang bugaw na si Raymond Falcotelo alyas Kaye matapos tanggapin ang P4,500 marked money mula undercover ng pulis.

Ang pera ay paunang bayad sa mga babae na mage-entertain sa mga Taiwanese sa private resort sa Old Zabarte Road sa Camarin, Caloocan City. Ayon sa ular, nasa pagitan ng P2,000 at P15,000 ang bayad sa serbisyo ng bawat babae.

Nakikipag-transaksyon umano ang bugaw sa pama-magitan ng Facebook. Sa social media rin ito naghahanap ng mga babaeng inaalok sa mga kliyente. — Radyo Inquirer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.