GenSan binomba: 8 sugatan

Bandera - - FRONT PAGE - Ni John Roson

HINDI bababa sa walo katao, kabilang ang isang batang babae, ang nasugatan nang sumabog ang improvised na bomba sa tabi ng isang botika sa General Santos City, Linggo ng tanghali, ayon sa mga otoridad.

Nasugatan sina Marlon Orabia, 30; Jeslly Guyos, 19; Joana Bles Alipio, 6; Felipa Regios, 63; Lanie Alipio, 34; John Lenon Calary, 22; Claire Uozoia, 24, at Anthon Fallor, 24, sabi ni Supt. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Central Mindanao regional police.

Naganapang pagsabog sa sangay ng TGP Generics Pharmacy sa Makar crossing alas11:40, aniya.

Itinanim ang IED sa tabi ng pharmacy, ani Gonzales, gamit bilang basehan ang ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Dinala sa St. Elizabeth Hospital ang mga biktima na nagtamo ng bahagyang pinsala sa mga binti, ani Maj. Ezra Balagtey, tagapagsalita ng Armed Forces Eastern Mindanao Command.

Nagdulot din ang pagsabog, na naganap sa bahagi ng National Highway sa Brgy. Apopong, ng bahagyang pinsala sa isang tolda at sports utility vehicle.

Nagpadala ng mga pulis at sundalo sa pinangyarihan para sa imbestigasyon, ani Balagtey.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.