Gas station limas sa rider

Bandera - - FRONT PAGE -

HINOLDAP ng ridingin tandem ang isang gasolinahan sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Nakuha ng mga hindi nakilalang suspek ang P600 pera sa kahera. Dumating umano ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo alas-2:55 ng hapon sa Shell gasoline station sa Don Antonio Heights, Brgy. Old Balara. Habang nilalagyan ng gasolina ang motorsiklo ay lumapit sa kahera na si Cindy Owid, 24, ang back ride na suspek at nagdeklara ng holdap. Armado umano ito ng baril. Kinuha ng suspek ang pera sa ibabaw ng kaha sabay sakay sa motorsiklo at tumakas. Walang plaka ang motorsiklo na humarurot patungo sa Fairview. —Leifbilly Begas

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.