Tsino vs Tsino

Bandera - - FRONT PAGE -

SINAKSAK hanggang sa mapatay ang Chinese national ang kanyang kababayan sa lobby ng isang gusali sa Makati City, kamakalawa ng madaling araw.

Dead on the spot si Lin Xiangze, 28, sanhi ng saksak sa dibdib. Agad namang nadakip si Ran Qianmjing, 29, ng Unit 19, 36th floor ng Eton Tower sa dela Rosa at Rufino, Legaspi Village, Brgy. San Lorenzo. Nangyari ang pananaksak alas-3:45 ng medaling araw sa lobby ng Eton Tower. Kapwa nakainom ng alak, nagtalo ang dalawa hanggang sa dumampot ng kutsilyo ang suspek at tinarakan ang biktima. Napag-alaman na magkasama sa trabaho ang dalawa. Inaalam pa ang ugat ng away. Makikipag-ugnayan ang otoridad sa Chinese Embassy u-pang ipabatid ang insidente. — Liza Soriano

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.