Duterte nag-ikot sa sinalanta ng bagyo

Bandera - - FRONT PAGE -

NAGSAGAWA si Pangulong Duterte ng aerial inspection upang makita ang lawak ng pinsalang dulot ng bagyong Ompong sa northern Luzon.

Kasamang nag-ikot ni Duterte si Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go.

Nakiramay naman si Duterte sa pamilya ng mga nasawi dahil kay Ompong.

"I share the grief of those who lost their loved ones, those we call the unforeseen events, in insurance this is an act of God. I don't know how it can be an act of God," sabi niya.

Nasiyahan naman ang Pangulo sa naging paghahanda para sa bagyo.

"Mabuti we had time to meet the OCD (Office of Civil Defense). This is the advantage of being here right from the start," dagdag niya sa pulong sa kapitilyo ng Cagayan sa Tuguegarao City.

Nakatakda rin siyang tumuloy kahapon sa Ilocos Norte.

Hindi naman tiyak kung tutuloy siya sa Isabela. —Bella Cariaso

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.